Lapat na paggawa ng pattern

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

LAPAT NA PAGGAWA NG PATTERN (FLAT PATTERNMAKING)[baguhin]

Ang lapat na paggawa ng pattern ay isang proseso ng paggawa at pagmamanipula ng pattern na isinasagawa habang ang pattern ay nakalapat sa mesa o ano mang patag na ibabaw, at mayroong sukat (measurement specs) na sinusundan bilang gabay.

Ang flat patternmaking ay maaaring isagawa gamit ang tatlong proseso: (1) Dart Manipulation; (2) Added Fullness; at (3) Contouring.

1.Pagmamanipula ng Darts (Dart Manipulation) – sa pagpapattern ng mga disenyo, laging sinisimulan ito sa paggamit ng mga basic patterns, at mula roon ay babaguhin ito ayon sa disenyo. Ang lahat ng mga basic patterns ay may darts. Ang dart ay isang patatsulok na nakatahing tupi sa damit na nagsisimula kadalasan sa isang linya ng pagtatahian (seam line). Ginagawa ng dart na maging mas sakto o mas lapat sa katawan ang damit kapag yari na ito. Sa proseso ng pagmamanipula ng darts sa lapat na pagpapattern, ang mga darts sa basic patterns ay maaring iikot upang maiba ang kinalalagyan, hatiin, at pagsamahin upang mapunan ang kailangang hitsura at lapat sa katawan ng isang disenyo. Halimbawa, ang isang waist dart ay maaaring mailipat sa gilid o side seam at gawing French Dart.

May dalawang uri kung paano namamanipula ang darts:

  1. a. Pagpapaikot (Pivot Method) – sa paraang ito, itatamtak ang bust point o apeks gamit ang isang aspile para masiguradong hindi ito gagalaw. And apeks ay ang siyang kadalasang dulo ng mga darts. Pagkatapos, mamarkahan sa papel na pinapatungan ng pattern ang lugar kung saan nais ilipat ang binti ng dart na iyon. Matapos magmarka, iiikot ang pattern na hindi ginagalaw ang apeks. Isasakto ang marka na nais paglagyan ng bagong dart sa kabilang binti naman ng dart na inikot. Pagkatapos, imarka na lamang kung saan bumagsak ang unang binti dart. Pagkabitin ang dalawang binti ng dart sa pamamagitan ng paguugnay sa kanila sa apeks. Pagkatapos, ibakas na ang panibagong hitsura ng pattern.
  1. b. Paghiwa at Pagkalat (Slash and Spread Method) – sa paraang ito, kailangan lamang markahan ang lugar na nais paglagyan ng bagong dart. Mula sa marka, gumawa ng tuwid na linya na nakakunekta sa apeks. Gupitin ang linyang ito hanggang 1/8 pulgada mula sa apeks o mas maliit pa. Isara ang dart na nais mawala. Habang isinasara ang dart, bubuka ang ginupit na linya, at mabubuo ang panibagong dart.

2.Pagdadagdag ng laki o luwag (Added Fullness) – Sa prosesong ito, ang mga darts ay pinapakawalan (nirerelease). Sa pagtatahi ng damit, ang mga darts ay isinasara ngunit sa paraang ito, binabalewala ang mga darts kaya lumalaki ang damit at nagkakaroon ito ng flare o dagdag na luwag.

3.Pagkokontur (Contouring) – sa prosesong ito, higit na pinahahalagahan ang kapit o lapat ng damit sa magsusuot nito. Maaari itong lagyan nang maraming darts at mga istilo ng linyang tahian (style lines), at maaari ring bawasan ang orihinal na sukat, para masiguradong maganda ang kapit nito sa katawan. Ang mga halimbawa ng damit na ginagamitan ng contouring ay ang mga tailored suits na ginagamit sa mga pormal na okasyon.

Mga Sanggunian[baguhin]

University of the Philippines BS Clothing Technology Courses:

University of SantoTomas (UST)