Pananahi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Larawan ng isang modistang hindi gumagamit ng makinang panahi.
Dalawang modista na abala sa kanilang gawain.
Isang sastre sa Hongkong na sinusukatan ang isang magpapatahi.

Ang pananahi[1] ay isang gawain o hanap-buhay kung saan pinagdurugtong ng isang dalubhasang mananahi ang mga tela o katad upang makabuo ng isang damit, sapatos, o anumang bagay na maisusuot o may iba pang paggagamitan. Tinatawag na modista ang babaeng mananahi na karaniwang sumusunod sa modang pangkasuotan ng panahon. Malimit na damit pambabae lamang ang tinatahi ng mga modista, katulad ng mga damit na pang-kasal. Samantalang sastre naman ang tawag sa lalaking mananahi na kalimitang gumagawa ng mga damit na panlalaki tulad ng polo, salawal, Barong Tagalog, at pantalon. Marunong ding magsulsi ang mga mananahi. Patahian ang tawag sa gawaang pag-aari ng mga mananahi.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Tahi, pananahi, mananahi, sastre, modista, sulsi". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.