Lewis Carroll

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Lewis Carroll noong 1863.

Si Charles Lutwidge Dodgson (play /ˈt??rlz ˈlʔtwʔd? ˈdʔd?s?n/ CHARLZ-' LUT-wij DOJ-s?n;[1][2] 27 Enero 1832 – 14 Enero 1898), na mas nakikilala sa sagisag-panulat na Lewis Carroll (IPA: /'kær?l/ KARR-?l), ay isang Ingles na manunulat, matematiko, lohiko, diyakunong Angglikano at litratista. Ang kaniyang pinakabantog na mga sulatin ay ang Alice's Adventures in Wonderland at ang kadugtong nitong Through the Looking-Glass, pati na ang mga tulang "The Hunting of the Snark" at "Jabberwocky", na lahat ay mga halimbawa ng henero ng kabalastugang pampanitikan. Itinatangi siya dahil sa kaniyang kakayahan sa paglalaro ng mga salita, lohika, at pantasya, at maraming mga samahan sa maraming mga bahagi ng mundo (kabilang na ang Nagkakaisang Kaharian, Hapon, Estados Unidos, at Bagong Selanda[3]) na nakatuon sa pagsasaya at pagtataguyod ng kaniyang mga akda at sa pagsisiyasat ng kaniyang buhay.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Dodgson, Charles Lutwidge". American Heritage Dictionary of the English Language. (2001). Houghton Mifflin.
  2. "Dodgson, Charles Lutwidge". Random House Dictionary. (2011). Random House, Inc.
  3. The Lewis Carroll Society


TalambuhayPanitikanInglatera Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.