Linggo ng Palaspas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang matagumpay na pagpasok ni Jesus patungo sa Jerusalem.[1][2]

Ang Linggo ng Palaspas ay ang ika-anim at huling Linggo ng Kuwaresma bago ang Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo. Sa araw na ito ay ginugunita ng mga Kristiyano ang pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem bago ang kanyang kalbaryo, o senyales ng pagsisimula ng Mahal na Araw.

Kasaysayan[baguhin]

Isa itong araw upang ipagdiwang ang araw noong pumasok si Hesus sa lungsod ng Jerusalem sa Israel, ayon sa pagkakasulat sa Bibliya sa Marcos 11:1-11, Mateo 21:1-11, Lucas 19:28-44, at Juan 12:12-19.

Ayon sa Ebanghelyo, bago sapitin ni Kristo ang Herusalem ay nanatili muna siya sa Bethany at Bethpage at dito ay nagsalo sila ni Lazaro, kasama ang mga kapatid nitong sina Maria at Martha, sa isang hapunan. Habang nagsasalu-salo ay inutusan niya ang isa niyang disipulo na kalagan ang isang nakataling buriko (donkey) at sabihing ito’y pag-uutos ng Panginoon. Ang burikong ito ay hindi pa nasasakyan kahit minsan at siyang ginamit ni Kristo sa kanyang pagpasok sa Jerusalem. Nakasulat din sa Bibliya na sa pagdaan ni Kristo ay nagbigay pugay ang mga tao sa pamamagitan ng paglalatag ng kanilang mga kapa at balabal sa daanan, gayun din ng mga maliliit na tangkay ng puno.

Pagdiriwang[baguhin]

Krus na gawa mula sa palaspas o dahon ng palamang pinalamutian at binendisyunan.

Tuwing Linggo ng Palaspas, maraming mga Kristiyano ang nagdiriwang ng mga krus na gawa mula sa mga palaspas, o ang pinalamutiang at binasbasang mga dahon ng palma[3], at sa pamamagitan rin ng pagsisimba o pagpunta sa simbahan.

Tinatawag ding Domingo de Ramos, sa araw na ito ay naglalabasan sa mga kalsada ang mga nagtitinda ng palaspas na isang mahalagang gamit na dinadala ng mga mananalampalataya sa Simbahan. Ang palaspas ay yari sa tangkay at dahon ng niyog na hinahabi sa iba’t ibang disenyo na kadalasan ay nasa anyong pahabang pamaypay na may tatlong hugpungan. Ang iba naman ay hugis krus at arko. Sa mga lugar na kakaunti o walang tanim nap alma (palm) ay gumagamit ng alternatibong halaman sa palaspas.

Sa araw na ito ay dala ng mga deboto ang palaspas sa Simbahan. Sa hudyat ng pari ay sabay sabay nilang iwinawagayway ang nasabing gamit. Ang pagwawagayway na ito ay nakakalikha ng animo’y matulis na tunog na dala ng hangin na pinaniniwalaan na isang paraan upang itaboy ang masasamang elemento at espiritu. Ang pari ay iikot sa mga tao upang mabindisyunan gamit ang banal na tubig ang mga palaspas ng mga deboto. Pag-uwi sa kani-kanilang tahanan ay ikinakabit ng mga tao ang kanilang palaspas a pintuan ng kanilang bahay upang protektahan ang kanilang pamilya mula sa kasamaan. Mananatili itong nakasabit sa tahanan hanggang sumapit muli ang Araw ng Palaspas isang taon ang makalipas.

Tingnan din[baguhin]

Sanggunian[baguhin]

  1. Matthew 19–28 by William David Davies, Dale C. Allison 2004 ISBN 0-567-08375-6 page 120
  2. John 12–21 by John MacArthur 2008 ISBN 978-0-8024-0824-2 pages 17–18
  3. "Palaspas". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990)., pahina 973.


Mga kawing na panlabas[baguhin]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.