Lunday (bangka)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Lunday (paglilinaw).
Isang uri ng lunday.

Ang lunday, baroto, kano, o kanoe (mula sa Ingles na canoe) ay isang uri ng bangka na dating ginagamit lamang ng mga katutubong Indiyan (hindi ang mga taga-Indiya).[1] Maliit ito at karaniwang pinapakilos ng lakas ng tao, ngunit madalas ding pinaaandar ng layag. Matulis sa magkabilang dulo ang mga ito at kalimitang bukas sa ibaba, ngunit maaari ring takpan. Pinapaandar ito sa pamamagitan ng mga sagwan, na nakabatay ang bilang mga sagwan sa sukat nito, karaniwang dalawa. Nakaharap ang mga mananagwan sa patutunguhan ng manlalakbay, na maaaring nakaupo o nakaluhod. Sa ganitong paraan, kaiba ito sa pananagwang patalikod na hindi nakaharap sa pupuntahan ng naglalakbay. Maaaring isaha o dalawahan ang talim ng mga sagwan.

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Canoe". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.