Silay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Silay)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Silay
—  Lungsod  —
Mapa ng Negros Occidental na nagpapakita ng kinaroroonan ng Lungsod ng Silay.
Silay is located in Philippines
Lungsod ng Silay
Lokasyon sa Pilipinas
Coordinates: 10°48′N 122°58′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga coordinate: 10°48′N 122°58′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Pilipinas
Rehiyon Kanlurang Kabisayaan (Rehiyon VI)
Lalawigan Negros Occidental
Distrito Ikatlong Distrito ng Negros Occidental
Mga barangay 16
Pagkatatag 1565
Ganap na Lungsod Hunyo 12, 1957
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Jose Montelibano
Laki
 • Kabuuan 21,479.90 hektarya km2 (May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator sq mi)
Populasyon (2000)
 • Kabuuan 107,722
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kaurian ng kita Ika-2 klaseng lungsod; urbanisado
Websayt http://dakbanwangsilay.com
Tumuturo dito ang Silay, para sa kalapit na bulkan, tingnan ang Silay (bulkan).

Ang Lungsod ng Silay ay isang ikalawang klaseng lungsod sa lalawigan ng Negros Occidental, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 107,722 katao sa 21,446 kabahayan.

Tinawag ang Silay na "Paris ng Negros" dahil sa malawak nitong kalipunan ng mga napapanataling mga sinaunang kabahayan. Higit sa tatlumpo ng mga ito ang naitalagang mga makasaysayang pook. Pangalawang lungsod ang Silay na maitalagang museong lungsod, kasunod ng Vigan sa Ilocos Sur.

Etimolohiya[baguhin]

Hinango ang taguring Silay mula sa pangalan ng isang puno na malawakang tumutubo sa lugar na ito. Ang Kansilay ang opisyal na pang-lungsod na puno ng Silay.

Ang alamat ni Prinsesa Kansilay[baguhin]

May isang katutubong alamat na nagsasabi kung paano nakuha ng Lunsod ng Silay ang pangalan nito. Ikinukuwento na noong mga kapanahunan ng mga datu at mga rajah, mayroon isang namuhay na prinsesang si Kansilay. May lumusob na mga pirata sa bayan ngunit nagapi naman ang mga ito dahil sa pamumuno ng prinsesa. Lumaban ang prinsesa bilang isang tunay na mandirigma. May mga moog na dating pumapalamuti sa mga gusaling pampubliko ng lungsod na naglalarawan sa kaniyang pagiging mandirigma may iwinawasiwas na talibong, isang maikling espada na may iisang matalas na gilid lamang. Nalupig ang mga pirata, ngunit namatay ang prinsesa sa kabila ng tagumpay na ito. Napagmasdan ng kaniyang kasintahan ang kaniyang paglisan sa mundo ng buhay. May dalamhating inilibing nila ang kanilang pinakamamahal na prinsesa. Sa kanilang pagkamangha, mayroong isang punong tumubo sa ibabad ng kaniyang puntod. Ito ang unang puno ng Kansilay, ang huling regala ng matapang prinsesa, para sa kaniyang mga mamamayan.

Mga Barangay[baguhin]

Ang Lungsod ng Silay ay nahahati sa 16 mga barangay.

  • Balaring
  • Barangay I (Pob.)
  • Barangay II (Pob.)
  • Barangay III (Pob.)
  • Barangay IV (Pob.)
  • Barangay V (Pob.)
  • Barangay VI Pob. (Hawaiian)
  • Eustaquio Lopez
  • Guimbala-on
  • Guinhalaran
  • Kapitan Ramon
  • Lantad
  • Mambulac
  • Rizal
  • Bagtic
  • Patag

Mga panlabas na kawing[baguhin]