Luzon Sukezaemon
Si Luzon Sukezaemon (呂宋助左衛門, Ruson Sukezaemon) ay isang mangangalakal na Hapones mula sa daungan ng Sakai, na nagpunta sa Cambodia noong mga huling taon ng ika-16 siglo.
Una siyang nakilala bilang si Naya Sukezaemon (納屋助左衛門), anak siya ng isang mangangalakal na nagngangalang Naya Saisuke. Binago niya ang kanyang pangalan (1593 o 1594) matapos ng kanyang paglakbay sa Luzon sa Pilipinas. Naging matagumpay siya sa pakikipagkalakal, partikular na sa pagbebenta ng mga porselanang babasagin kay Toyotomi Hideyoshi sa iba pang mayayaman.
Inilibing siya sa Daian-ji sa Sakai, at ang kanyang mga rebulto ay makikita sa yaong lungsod, maging sa Maynila. Lumabas siya sa isang nobela ni Saburou Shiroyama, at sa isang 1978 Taiga drama na tinawag na Ougon no Hibi.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Miyamoto, Kazuo. Vikings of the Far East. New York: Vantage Press, 1975. pp88–89.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.