Pumunta sa nilalaman

Majulah Singapura

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Majulah Singapura
English: Onward Singapore
Isang de-manong iskor ng "Majulah Singapura" na nakalantad sa Pambansang Museo ng Singapore

Pambansang awit ng  Singapore
LirikoZubir Said, 1958
MusikaZubir Said, 1958
Ginamit1959

Ang "Majulah Singapura" ("Sulong, Singapura") ay ang pambansang awit ng Singapura. Isinulat ni Zubir Said ang tunog nito noong 1958 bilang isang awiting tema para sa mga opisyal na pangyayari ng Sangguniang Panlungsod ng Singapura, at napili ito noong 1959 bilang awit ng pulo kapag nakamit na nito ang sariling pamahalaan. Sa pagkalaya nito noong 1965, pormal na pinagtibayan ang "Majulah Singapura" bilang pambansang awit ng Singapura. Ayon sa batas, maaari lamang awitin ang awit sa orihinal na titik na ito sa Malay, bagama't may umiiral na autorisadong salin sa tatlong ibang opisyal na wika ng Singapura ang awit: sa Ingles, Mandarin at Tamil.

Orihinal na isinaayos ang awit sa palatunuhang G mayor, ngunit sa 2001 muling ipinalunsad ang pambansang awit sa mas mababang palatunugan na F mayor dahil pinapahintulutan nito ang "mas enggrande at mas masigyang pagsasaayos".

Regular na itinatanghal o inaawit ang awit sa mga paaralan at kampo militar sa mga seremonyang itinatanghal sa simula o dulo ng bawat araw, kung saan itinataas o ibinababa ang pambansang watawat at ibinibigkas ang pambansang panunumpa. Hinihikayat din ang mga taga-Singapura na awitin ang pambansang awit sa panahon ng mga pambansang pagdiriwang o mga pangyayaring may kahalagahan sa buong bansa, tulad ng Parada ng Pambansang Araw (National Day Parade), sa pagdaraos ng mga pagdiriwang ng Pambansang Araw na inilulunsad ng mga paaralan at kagawaran ng pamahalaan, at sa mga kaganapang pampalakasan kung saan nakikilahok ang mga koponan ng Singapura.

Malay (Opisyal na Titik) Salin sa Ingles
Salin sa Tsino Salin sa Tamil Tinatayang Saling-wika sa Filipino Saling-awit sa Filipino

Mari kita rakyat Singapura
Sama-sama menuju bahagia
Cita-cita kita yang mulia
Berjaya Singapura

Marilah kita bersatu
Dengan semangat yang baru
Semua kita berseru
Majulah Singapura
Majulah Singapura

Marilah kita bersatu
Dengan semangat yang baru
Semua kita berseru
Majulah Singapura
Majulah Singapura

Come, fellow Singaporeans
Let us progress towards happiness together
May our noble aspiration bring
Singapore success

Come, let us unite
In a new spirit
Let our voices soar as one
Onward Singapore
Onward Singapore

Come, let us unite
In a new spirit
Let our voices soar as one
Onward Singapore
Onward Singapore

來吧,新加坡人民,
讓我們共同向幸福邁進;
我們崇高的理想,
要使新加坡成功。

來吧,讓我們以新的精神,
團結在一起;
我們齊聲歡呼:
前進吧,新加坡!
前進吧,新加坡!

來吧,讓我們以新的精神,
團結在一起;
我們齊聲歡呼:
前進吧,新加坡!
前進吧,新加坡!

சிங்கப்பூர் மக்கள் நாம்
செல்வோம் மகிழ்வை நோக்கியே
சிங்கப்பூரின் வெற்றிதான்
சிறந்த நம் நாட்டமே

ஒன்றிணைவோம் அனைவரும்
ஓங்கிடும் புத்துணர்வுடன்
முழங்குவோம் ஒன்றித்தே
முன்னேறட்டும் சிங்கப்பூர்
முன்னேறட்டும் சிங்கப்பூர்

ஒன்றிணைவோம் அனைவரும்
ஓங்கிடும் புத்துணர்வுடன்
முழங்குவோம் ஒன்றித்தே
முன்னேறட்டும் சிங்கப்பூர்
முன்னேறட்டும் சிங்கப்பூர்

Tayo na liping Singapuriyano
Sama-sama patungong ligaya
Mga pangarap nating marangal
Matagumpay Singapura

Hayaan tayong magkaisa
Sa diwang bago
Hayaan ating ipagsigawan
Sulong Singapura
Sulong Singapura

Hayaan tayong magkaisa
Sa kaloobang bago
Hayaan ating ipagsigawan
Sulong Singapura
Sulong Singapura

Halina kapwa kong Singapura

Sama-sama patungo sa ligaya

Nawa'y pangarap nating marangal

Ipagtagumpay sa Singapura

Halina't magkaisa

Sa isang panibagong diwa

Halina't ating itanghal:

Pasulong Singapura

Pasulong Singapura