Mamarang
Mamarang | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Fungi |
Dibisyon: | Basidiomycota |
Hati: | Agaricomycetes |
Orden: | Agaricales |
Pamilya: | Lyophyllaceae |
Sari: | Termitomyces |
Espesye: | T. cartilagineus
|
Pangalang binomial | |
Termitomyces cartilagineus |
Ang mamarang (Termitomyces cartilaginous) ay isang uri ng halamang singaw na kilala sa katawagang kabute sa wikang Tagalog. Ito ay nakakain at nabibilang sa isa sa mga sangkap sa mga lutuin ng Hapon, Tsina at sa Pilipinas. Ang mamarang katulad ng kauri nitong kabuteng parang ay mga kabute na sumisibol sa pinagbahayan ng anay. Dahil dito isa itong uri ng halamang-singaw na hindi napapasibol ng tao. Ito ay kusang nasibol sa tamang panahon lalu na kapag nagkakaroon ng matinding pagkidlat. Ang mga nitrate na compound sa himpapawid ay siyang isang dahilan para sumibol ang kabute sa nabubulok na bahay ng anay at iba pang organikong bagay sa kalikasan tulad ng dahon, kahoy at mga dumi ng hayop. Dapat magingat sa pagkain ng kabuteng ito dahil may mga kamukha itong kabute na nakakalason.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.