Lipad 091 ng Mandala Airlines
Buod ng Insidente | |
---|---|
Petsa | 5 Setyembre 2005 |
Buod | Pagkalugi sa pag-alis |
Lokasyon | Medan, Indonesia |
Pasahero | 112 |
Tripulante | 5 |
Nasaktan (hindi namatay) | 18 |
Namatay | 104 + 44 |
Nakaligtas | 18 |
Tipo ng sasakyan | Boeing 737-200 |
Tagapamahala | Mandala Airlines |
Rehistro | PK-RIM |
Ang Lipad 091 ng Aerolinyang Mandala o Lipad 091 ng Linyang Panghimpapawid na Mandala ay isang kaganapanang pang-abyasyon na naganap noong 2005. Noong 5 Setyembre 2005 (10:06 ng umaga. UTC +7), isang Boeing 737-200 na eroplano papuntang Jakarta, na isinasagawa ng Mandala Airlines, ay bumagsak sa isang mataong sonang pantahanan ilang segundo pagkatapos ng paglipad nito mula sa Paliparang Pandaigdig ng Polonia sa Medan, Indonesia.
Maraming bahay at sasakayan ang nasira, at hindi bumaba sa 39 katao ang naiulat na namatay. Pagkaraan, iniulat na mayroong hindi bababa sa 16 katao ang nakaligtas sa sakuna, at 104 sa mga pasahero nito ay napag-alamang namatay kabilang ang 3 sanggol. Karamihan sa mga nakaligtas ay inaakalang nakaupo sa hulihan ng sasakyan, ngunit ang ilan ang iniulat na namatay dulot ng kanilang mga natamong injury. Mayroong isang taga-Malaysia, Ti Teow Chuan mula sa Sabah, ang iniulat na namatay at isa mula sa Hapon. Walang taga-Singapore ang iniulat na kabilang sa mga nasawi. Ang Embahada ng Singapore sa Jakarta at Konsulado sa Pekan Baru ay parehong nakikipag-ugnayan sa lokal na awtoridad doon at ipinagpatuloy ang pag-antabay sa sitwasyon.
Si Rizal Nurdin, ang kasalukuyang gobernador ng Hilagang Sumatra, at Raja Inal Siregar, ang dating gobernador, ay parehong pinaniniwalaang kabilang sa mga nasawi.
Ang pagbagsak na ito ang ikaanim na malaking insidente na kinasasangkutan ng mga pangkalakalan (commercial) na eroplano mula Agosto 1. Ang iba ay ang mga sumusunod, ayon sa pagkakasunodsunod: Lipad 358 ng Air France; isang ATR-72 na bumagsak sa Dagat Mediterranean; Lipad 522 ng Helios Airways, na bumagsak sa Gresya at kung saan 122 ang namatay; Lipad 708 ng West Carribean Airways, na bumagsak sa Venezuela at kung saan 160 ang namatay; at Lipad 204 ng TANS Peru, kung saan namatay ang 41 sa 100 pasahero nito nang bumagsak sa Peru.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Abyasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.