Batas militar

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Martial law)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Proklamasyon ni Dunmore noong Nobyembre 14, 1775 na nagdeklara ng Batas-militar sa Kolonya ng Virginia, ilang buwan matapos sumiklab ang Himagsikang Amerikano

Ang batas militar ay kakaibang kapangyarihan ng estado na karinawang ipinatutupad nang panandalian ng isang pamahalaan kapag hindi na nito maayos magampananan ang pamamahala gamit ang sibilyang nitong kapangyarihan (e.g. pagpapanatili ng kaayusan at katiwasayan, o magbigay ng mga pangunahing serbisyo). Sa isang ganap na batas militar, ang pinakamataas na opisyal ng militar ang namumuno, o naitatalaga bilang tagapamahala o puno ng pamahalaan, kasabay ng pagbuwag o pagtanggal ng lahat ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan mula tagapagpaganap, tagapagbatas, hanggang panghukuman.[1]

Maaaring ipatupad ng pamahalaan ang batas militar upang manaig ang kanilang kapangyarihan sa sambayanan. Ang ilang insidente ng pagpapatupad ng batas militar ay nangyayari matapos ang isang kudeta (gaya ng sa Thailand noong 2006 at 2014); kapag may banta ng malawakang protesta laban sa pamahalaan (Tsina sa Tiananmen Square noong 1989); upang supilin ang oposisyong politikal (Poland noong 1981); sugpuin ang napipintong pag-aalsa (Canada, October Crisis noong 1970). Nagdedeklara din ng batas militar tuwing may matinding sakuna; ngunit, ang ilang bansa ay gumagamit ng ibang legal na konstruksiyon, gaya ng estado ng kagipitan.

Nagpapatupad din ng batas militar tuwing may mga hidwaan gaya ng pananakop, kung saan ang kawalan ng pamahalaang sibilyan ay nagdudulot ng pagkabalisa ng populasyon. Ang ilang halimbawa ng ganitong pamamahalang militar ay noong rekonstruksiyon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Alemanya at Hapon, pati na rin noong rekonstruksiyon sa timog Estados Unidos pagkatapos ng Digmaang Sibil Amerikano.

Malimit na may kaakibat na pagpapatupad ng curfew, pagsuspindi ng batas sibil, karapatang sibil, habeas corpus, at pagsasailalim o pagpapalawig ng hukumang militar o katarungang militar sa mga sibilyan. Ang mga sibilyang hindi tatalima sa batas militar ay maaaring litisin sa isang hukumang militar.

Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na:

Talasanggunian[baguhin]

  1. "Martial Law". Sidlinger. http://sidlinger.tripod.com/ml.html. Hinango noong 2010-12-23. 


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.