Mga Igorot

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Igorot (paglilinaw).
Isang babaeng Isnag, isang Igorota.

Ang mga Igorot ay isang pangkat etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa Hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR): ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey.

Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mayaman sila sa kultura at paniniwala na hanggang sa ngayon, sa ibang lalawigan ay naisasagawa.

Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao.

Pinagmulan ng Salitang "Igorot"[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang salitang Igorot ay likha ng mga Espanyol bilang tawag sa mga tribong hindi nila nakolonisa sa Luzon. Golot (mountain chain) ang pinagmulan ng salita at dinagdagan ng unlaping i- (nakatira sa). Sa unang opisyal na ulat ng sénsus noong dumating ang mga Amerikano, isinulat ni D.R. Barrows na kinupkop na niya ang pangalang Igorot upang itawag sa kabuuan ng mga tribong Malay sa Hilagang Luzon na may pare-parehas na pisikal na katangian, malapit ang mga lenggwahe at may parehong grado ng kultura. May buong rekord sa antropolohiya na nagsasabing: sa nakararaming lenggwahe sa Hilagang Luzon, ang ibig sabihin ng ‘Igorot’ ay ‘taong bundok’ at pansamantalang ipinangalan ito sa grupo ng pirimitibong mga tao ng Hilagang Luzon dahil ito ay sumasaklaw sa malaking bilang ng mga taong bundok. Ito rin ang ginagamit ng mga Igorot upang tawagin ang kanilang sarili at may mga etnolohikal na kasulatan tungkol dito.[1]

Pisikal na Distinksiyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga Igorot sa Benguet ay mas maliit kaysa sa mga Igorot sa Bontoc. Ang nakararami ay mayroong mga matang bilugan ngunit magaganda. Ang mga balat ng mga Igorot sa Benguet ay karaniwang kayumanggi ngunit kadalasang mas maitim pa rito dahil babad sa ilalim ng mainit na araw. Ang mga kalalakihan ay kinagawiang maikli ang buhok. Ang mga kababaihan naman ay nagpapahaba ng buhok at nag-iiwan ng bangs sa noon na tama ang ikli upang sila ay makakita ng maayos.[2] Ang sinaunang mga Igorot ayn naiiba sa itsura ng makabagong mga Igorot. Ang makabagong Igorot ay natural na maliliit ang tanggkad (4'8-5'5)

Kasalukuyan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa kasalukuyan, marami na ang mga kalalakihan na nagdadamit civilian. Ito ang nagsisilbing uniporme ng mga pangulo at mga konsehal kung may pasok o may isineselebra ang nasyon. Ang mga kababaihan naman (kaiba sa ibang hindi Kristiyanong pangkat sa Pilipinas), ay dinadamitan ang kanilang buong pangangatawan. Ang kanilang damit-pantrabaho ay palda na hindi lalampas sa tuhod, pantaas na may mahabang manggas at tawel o piraso ng tela na ibinabalot nila sa kanilang ulo. Ngunit, sa kasalukuyang panahon ang pananamit ng Igorot ay nagiging "modern" na rin.[2]

Patungkol sa IPRA[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang IPRA (Indigenous People’s Rights Act) ng 1997 ay comprehensive law na hindi lamang ang karapatan ng mga Katutubong Mamamayan sa kanilang minanang lupa (lupa ng kanunu-nunuan) ang ipinagtatanggol ngunit pati na rin ang katarungang panlipunan, karapatang pantao, karapatang panlipunan at karapatang pangkultura. Ito ay bilang sagot sa paniniwalang ang mga lupaing ito ay ang kanilang lugar-sambahan (relihiyon), institusyon sa pag-aaral (edukasyon), lugar ng pamamahala (pulitikia at pamahalaan), kabuhayan at lugar ng merkado (ekonomiya), sentro ng medisina (kalusugan), tahanan (depensa at seguridad), pagkakakilanlan (pagkatao at karakter), at kasayasayan. [3]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Scott, W. H., (1962). The word Igorot. Philippines studies, vol. 10 (no. 2), pp. 234-238
  2. 2.0 2.1 Worcester, D. C., (October, 1906). The non-Christian tribes of Northern Luzon (Vol. 1 no. 8). Manila: Bureau of Science of the Philippine Government Press
  3. ILO Office In Manila. Coalition for Indigenous Peoples' Rights and Ancestral Domains. BILANCE-Asia Department. Legal Assistance Center for Indigenous Peoples Right., (1999). Guide to R.A. 8371: Indigenous peoples’ rights act of 1997 (IPRA). Manila: PANLIPI Legal Assistance Center for Indigenous Peoples Right