Mopeta

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mopeta
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Carnivora
Suborden: Caniformia
Superpamilya: Musteloidea
Pamilya: Mephitidae
Bonaparte, 1845
Genera

Conepatus
Mydaus
Mephitis (type)
Spilogale

Ang mopeta, mopete (kapwa mula sa Katalang mofeta), mepitido (mula sa Kastilang mefitido), o iskank (mula sa Ingles na skunk), na kilala bilang Mephitidae sa agham, ay isang mamalyang karaniwang may isang puting guhit sa likod at may makapal na balahibong buntot. Pinakanatatanging bahagi ng katawan nito ang pampuslit ng mga mabahong likido mula sa ilalim ng buntot, partikular na ang dalawang butas na nasa loob ng tumbong nito. Isinasagawa ng mopeta ang pagpapatalsik ng maamoy na likidong ito upang bugawin ang ibang mga hayop na maaaring makapanakit sa kanya. Kumakain ito ng halaman at maliliit na mga hayop katulad ng bulati, palaka, ahas, ibon, mga itlog, at mga bungang ratiles, dahon, damo, at mga mani. Pinakakilala sa mga uri ng mopeta ang guhitang mopeta na may timbang na mula 2.5 hanggang 14 mga libra (1.2–6.3 kg) at may haba ng katawang 13 hanggang 18 pulgada (33–46 sentimetro), hindi kasama ang buntot. May habang 7 hanggang 10 mga pulgada (18–25 sentimetro) ang buntot, at may puting dulo kung minsan.


Mamalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.