Pumunta sa nilalaman

Mordechai Vanunu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mordekhay W’anunu)
Mordechai Vanunu (2009)

Ang Israeling si Mordechai Vanunu (Ebreo: מרדכי ואנונו) (ipinanganak 13 Oktubre 1954), kilala din sa kaniyang pangalang bawtismal na John Crossman at sa mga katunggali bilang Mragel ha'Atom (Ebreo: מרגל האטום, “Ispiyang Atomiko”), ay isang dating teknikong nuklear (nuclear technician) na nagbunyag ng mga detalye ng programang pansandatang nuklear ng Israel sa prensang British noong 1986. Napapunta siya sa Roma ng isang ahenteng Amerikano ng Mossad at nadukot at ipinadala nang patago sa Israel kung saan nilitis siya nang patago at hinatulan ng pagtataksil.

Pagkatapos ng 18 taon sa bilangguan, higit 11 na isinilbi niya sa solitary confinement, ipinalaya si Vanunu noong 2004, sa ilalim ng isang komprensibong sakop ng mga restriksiyon sa kaniyang pananalita at paggalaw. Simula noon ay madalas siyang naaaresto nang sandali dulot ng kaniyang mga paulit-ulit na paglabag sa mga restriksiyong yon, tulad ng pagbigay ng iba’t ibang panayam sa mga dayuhang mamamahayag at ng pagtangkang lumisan ng Israel. Noong Marso 2005 sinampahan siya ng 21 kargo ng “contravening a lawful direction,” na nagdadala ng maksimum ng dalawang taon bawat kargo, at ipinalaya upang maghintay ng paglilitis, bagaman nananatili siya sa ilalim ng parehong mga restriksiyon tulad ng dati.

Ibinunyag ni Vanunu ang mga detalye ng kaniyang pagdakip sa pagsulat sa kaniyang kamay: “מ. ואנונו was hijacked in Rome ITL 30.9.86 9:00 p.m. Came to Rome by BA fly 504.”

Itinuturing ng mga pangkat pangkarapatang pantao si Vanunu bilang bilanggo ng kaniyang konsiyensiya. Traydor naman ang pagturing sa kaniya ng pamahalaang Israeli, at patuloy ang lubos na pamimintas ni Vanunu sa mga galaw ng Israel, mismong itinatanggi kahit ang pangangailangan ng isang istado para sa mga Hudyo, sinasabing, "We don't need a Jewish state. There needs to be a Palestinian state. Jews can, and have lived anywhere, so a Jewish State is not necessary."[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.