Mundong kanluranin

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Mundong kanluranin o Mundong pangkanluran, kilala rin bilang Ang Kanluran at ang Oksidente (mula sa Latin na occidens "takipsilim, kanluran; na kabaligtaran ng Oryente), ay isang katagang tumutukoy sa Hilagang Amerika, Kanlurang Europa, at Gitnang Europa, pati na ang Australya at Bagong Selanda.[1] Walang napagkasunduang kahulugan hinggil sa kung ano ang pangkaraniwang katangian ng mga bansang ito para sa mayorya o karamihan ng kanilang mga populasyon.

Ang diwa ng Kanlurang bahagi ng daigdig ay nag-ugat mula sa kabihasnang Griyego at Romano sa Europa, sa pagsapit ng pagsisimula ng Kristiyanismo. Sa makabagong panahon, ang kabihasnang Kanluranin o kalinangang Kanluranin ay mabigat na naimpluwensiyahan ng mga kaugalian ng Renasimyento, Repormasyong Protestante, Panahon ng Pagkamulat, at nahugisan ng malawakang kolonyalismo o pananakop noong ika-16 hanggang ika-19 mga daantaon. Ang paggamit na pampolitika nito ay pansamantalang kinabatiran ng sabayang antagonismo o pakikipagsalungatan sa blokeng Sobyet noong panahon ng Digmaang Maginaw noong gitna hanggang hulihan ng ika-20 daantaon (1944-1989). Sa pangkasalukuyang kahulugan na panrelihiyon at pangkultura, ang Kanluraning mundo ay tumutukoy sa mga bansa sa Europa (natatangi na ang Kanlurang Europa) pati na ang mga bansa na may simulaing pangkolonya ng kanlurang Europa na nasa Bagong Mundo (iyong Kaamerikahan at Australasya), katulad ng Estados Unidos, Brasil, Mehiko, Canada, Australya, Arhentina, at iba pa.[2][3][4]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Western Civilization, Our Tradition; James Kurth; accessed 30 Aug 2011
  2. Thompson, William; Joseph Hickey (2005). Society in Focus. Boston, MA: Pearson. 0-205-41365-X. 
  3. "Embassy of Brazil - Ottawa". Brasembottawa.org. http://www.brasembottawa.org/en/culture_academic/fine_arts.html. Hinango noong 2011-05-06. 
  4. Falcoff, Mark. "Chile Moves On". AEI. http://www.aei.org/publications/pubID.11413/pub_detail.asp. Hinango noong 2011-05-06.