Muro Ami (pelikula)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Muro Ami
Direksiyon Marilou Diaz-Abaya
Dulang pampelikula Ricardo Lee and Jun Lana
Kwento Marilou Diaz-Abaya
Mga gumanap Cesar Montano bilang Fredo,
Pen Medina bilang Dado,
Amy Austria bilang Susan,
Jong Hilario bilang Botong,
Rebecca Lusterio bilang Kalbo
Sinematograpiya Rody Lacap
Tagapag-edit Jesus Navarro
Ipinamahagi ng GMA Films
Petsa ng pagpapalabas 25 Disyembre 1999
Oras ng pagpapalabas 120 minuto
Wika Tagalog

Ang Muro Ami ay isang pelikula noong 1999 na inilabas ng GMA Films sa direksiyon at panulat ni Marilou Diaz-Abaya at pinagbidahan ni Cesar Montano. Tungkol ang pelikula sa isa sa mga malalang uri ng trabahong pambata sa ilegal na paraan ng pangingisda, ang muro-ami.

Nagkamit ito ng labing-anim na mga nominasyon (labing-tatlo nanalo) sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila noong 1999 kabilang ang Pinakamahusay na Batang Artista (Rebecca Lusterio), Pinakamahusay na Kuwento (Marilou Diaz-Abaya, Ricardo Lee, at Jun Lana), Pinakamahusay na Senaryo (Ricardo Lee at Jun Lana), Pinakamahusay na Direktor (Marilou Diaz-Abaya) at Pinakamahusay na Pelikula. Nakatanggap din ito ng Parangal na Pinili ng Hurado at Publiko sa Pista ng Pelikula sa Bénodet sa Pransiya.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.