Nicki Minaj

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
im nickiminaj
Si Minaj sa 2010 MTV Music Awards
Kabatiran
Kapanganakang pangalan Onika Tanya Maraj
Kapanganakan 8 Disyembre 1982 (1982-12-08) (edad 31)[1]
Saint James, Trinidad and Tobago
Pinanggalingan Queens, Bagong York, Estados Unidos
Genre Hip hop, R&B, pop
Mga Gawain Rapper, singer-songwriter
Taong aktibo 2002–kasalukuyan
Mga tatak Cash Money Records, Young Money Entertainment, Universal Republic Records, Universal Motown
Mga nakaugnay na akto Young Money
Sityo mypinkfriday.com


Si Onika Tanya Maraj (ipinanganak noong Disyembre 8, 1982), mas kilala bilang Nicki Minaj, ay isang recording artist na pumirma sa Young Money Entertainment. Siya ay ipinanganak sa Saint James, Trinidad at Tobago, pero sila ay lumipat sa Queens borough sa Lungsod ng Bagong York noong siya ay limang taong gulang. Nagsimula ang karera ni Minaj sa musika noong 2007, matapos niyang ilabas ang kanyang unang mixtape na Playtime is Over. Ang Playtime is Over ay sinundan ng mga mixtapes na Sucka Free at Beam Me Up Scotty na inilabas noong 2008 at 2009, ayon sa pagkakabanggit. Nakamit ni Minaj ang una niyang tagumpay sa pagkakaroon ng record label pagkatapos siyang matuklusan ng kapwa rapper na si Lil Wayne. Pinapirma siya ni Lil Wayne ng record deal sa Young Money Entertainment na may pamamahagi mula sa Universal Motown Records noong Agosto 2009. Ang kanyang unang album na inilabas noong 2010 na Pink Friday ay mabilis na naging matagumpay, nanguna ito sa US Billboard 200 at hinirang na platinum ng Recording Industry Association of America (RIAA) isang buwan pagkatapos itong ilabas. Siya ang pinaka-unang artist na nagkaroon ng pitong kanta na napabilang sa Billboard Hot 100 nang sabay-sabay. Ang kanyang ikalawang kanta na "Your Love" ay naging # 1 sa chart ng Billboard Hot Rap Songs. Ito ang nagbigay daan upang si Minaj ay hirangin bilang unang babaeng artist na nanguna sa tsart na nag-iisa dahil nagawa ito ni Missy Elliott noong 2002 sa pamamagitan ng kantang Work It. Siya rin ang naging unang babaeng artist na napasama sa MTV’s Annual Hottest MC List.

Personal na Buhay[baguhin]

Habang ang ilang mga interbyu at kanta ay ipinapahiwatig na si Minaj ay biseksuwal, sinabi niya na hindi siya nakikipagdate o nakikipagtalik sa isang babae, ngunit idinagdag niya sa isang pakikipanayam sa Out magazine, "Hindi rin ako nakikipagdate sa mga lalaki.” Sa isang panayam sa Vibe, siya ay nagkomento “Tanggap ko lang lahat ng klase ng tao kahit ano pang pamumuhay nila at hindi ko sila sinasabihan na masama sila.”

Ang Kanyang Kabataan[baguhin]

Si Maraj ay ipinanganak noong 1982 sa Saint James, (isang arabal sa kabisera ng Trinidad at Tobago na Port of Spain). Ang kanyang mga magulang ay may magkahalong Indian at Afro-Trinidadian na lahi at siya ay tumira sa Saint James kasama ang kanyang lola hanggang sa edad na lima, dahil ang kanyang mga magulang ay naghahanap ng lugar na matitirhan sa Queens borough sa New York City noong mga panahong iyon. Paminsan-minsan ay binibisita siya ng kanyang ina, at isang araw, noong limang taon si Minaj, sinundo siya ng kanyang ina para lumipat sa Queens. Ayon kay Minaj, ang kanyang ama ay lasinggero, gumagamit ng bawal na gamot, at isang beses ay sinubukan nitong patayin ang kanyang ina sa pamamagitan ng pagsunog sa kanilang bahay. Siya ay nag-aral sa Elizabeth Blackwell Middle School 210, kung saan siya ay tumugtog ng klarinete. Siya ay nagtapos sa LaGuardia High School. Sa LaGuardia, isang paaralan ng musika at sining, lumahok si Minaj sa programa ng drama. Noong simula, plano niyang kumanta sa LaGuardia, ngunit nawala ang kanyang tinig sa araw ng audition.

Inspirasyon sa Musika[baguhin]

Isinaad ni Minaj na ang mga artists na naimpluwensiyahan ang kanyang estilo ng musika ay sina Foxy Brown, Jadakiss, Lauryn Hill, Lil Kim, Lil Wayne, Lisa "Left Eye" Lopes, Missy Elliott, at Natasha Bedingfield. Binigyan inspirasyon din siya nila Cyndi Lauper, Grace Jones, Madonna, at Marilyn Monroe.

Mga sanggunian[baguhin]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.