Nobela

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay[1] ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Kahulugan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

Layunin[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. gumising sa diwa at damdamin
  2. nananawagan sa talino ng guni-guni
  3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
  4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
  5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
  6. nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
  7. nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela

Katangian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
  2. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
  3. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
  4. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
  5. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
  6. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
  7. malinis at maayos ang pagkakasulat
  8. maganda
  9. maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan

Elemento[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
  2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
  3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
  4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
  5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
  6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
  7. pamamaraan - istilo ng manunulat
  8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
  9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.