Nuremberg

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Nuremberg (Aleman: Nürnberg[1]) ay isang lungsod sa Alemang estado ng Bavaria, sa rehiyong administratibo (Regierungsbezirk) ng Gitnang Franconia. Nakalagay ito sa Ilog ng Pegnitz at sa Kanal ng Rhine–Main–Danube. Ito ang pinakamalaking lungsod ng Franconia. Nakalagak ito sa bandang 170 mga kilometro sa hilaga ng Munich, sa 49.27° Hilaga 11.5° Silangan. Magmula Enero 2006, nasa 500,132 ang populasyon nito. Noong 2001, bumubuo ang Nuremberg at ang pinakamalapit nitong mga kanunugnog na mga lungsod ng isang pook na urbanong may 1,020,000 mga kataong naninirahan.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Nürnberg". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 31.


HeograpiyaAlemanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.