Orden (biyolohiya)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang iba't ibang antas sa pamamaraan ng pagpapangkat pang-biyolohiya. Espesye Henus Pamilya Orden Klase Phylum Kaharian Dominyo Buhay

Magnify-clip.png
Ang pagkakasunud-sunod (hirarkiya) ng walong pangunahing hanay pang-taksonomiya sa katipunang biyolohikal. Hindi ipinakikita ang mga ranggong panggitna.
Para sa ibang gamit, tingnan ang orden (paglilinaw).

Sa pagtitipun-tipong maka-agham na ginagamit sa larangan ng biyolohiya, ang salitang orden[1] (Ingles: order; Latin: ordo [isahan], ordines [maramihan]) ay isang kahanayang pang-taksonomiya sa pagitan ng klase at pamilya. Samantalang ang superorden naman ay nasa gitna ng klase at orden. Umaayon sa Kodigong ng Nomenklatura ang buong detalye ng opisyal na pagpapangalang ginagamit sa kasalukuyan.

Kasaysayan[baguhin]

Ang orden, bilang isang natatanging hanay sa pagtitipun-tipong pang-biyolohiya – na mayroong sarili niyang pangalan (na hindi lamang tinatawag na “mataas na sari” (Ingles: higher genus; Latin: genus summum), ay unang ipinakilala ni Augustus Quirinus Rivinus, isang Alemang botaniko, sa kaniyang mga pagpapangkat-pangkat ng mga halaman (mga sulatin na isinulat noong mga dekada ng 1690). Tahasang ginamit ito ni Carolus Linnaeus sa kahatian ng lahat ng tatlong mga kaharian sa Nature (Kalikasan) ng kaniyang akdang Systema Naturae (Paraang Likas, 1735, unang labas), na hinggil sa mga mineral, halaman, at hayop.

Sa mga lathalaing Pranses: mula sa Familles naturelles des plantes (Mga Likas na Pamilya ng mga Halaman, 1764) ni Michel Adanson hanggang sa katapusan ng ika-19 na dantaon, ang salitang famille at familles (“pamilya” at “mga pamilya” sa wikang Pranses) ay ginamit bilang katumbas ng “ordo” ng Latin. Tahasang ginamit ang katumbas na ito sa Lois de la nomenclature botanique (Batas sa Pagpapangalang maka-Botanika, 1868) ni Alphonse De Candolle, na naging ninunong-akda ng pangkasalukuyang Kodigong Internasyunal sa Pagpapangalang Pang-Botanika.

Sa mga unang “Patakaran” sa pagpapangalang pang-botanika ng 1906, ang salitang pamilya (familia) ay itinakda para sa mga hanay na nangangahulugang famille sa wikang Pranses, habang ang orden (Ingles: order, Latin: ordo) naman ay nilaan para sa nasa mas mataas na ranggo, na noong mga kapanahunan ng ika-19 na dantaon ay kadalasang tinatawag na kohorta (Pranses: cohors [isahan] at cohortes [maramihan]).

Sa soolohiya[baguhin]

Sa larangan ng soolohiya, mas gamitin ang mga pamamaraang pang-orden na pinasimulan ni Linnaeus, na kung saan ang mga orden sa bahaging pang-soolohiya ng kaniyang Systema Naturae (Likas na Pamamaraan) ay tumutukoy sa mga grupong likas. Gamitin pa rin sa ngayon ang ilan sa mga pangalang pang-orden ni Linnaeus, katulad ng Lepidoptera para sa orden ng mga gamu-gamo at paru-paro, o Diptera para naman sa mga langaw, lamok, midge, at gnat).

Mga talasanggunian[baguhin]

  1. "Orden, bilang 1 at 3, pahina 950: pagkakaayos o pagkakasunud-sunod, na angkop sa salin na ito dahil ang lathalaing ito ay tungkol sa kahanayan ng pagpapangkat-pangkat". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na:

Tingnan din[baguhin]