Primates

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Primate[1]
Hangganan ng fossil: Huling Paleoseno–Kamakailan, 58–0 milyong taon ang nakalilipas
Olive baboon, Papio anubis
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Impraklase: Eutheria
Superorden: Euarchontoglires
Orden: Primates
Linnaeus, 1758
Mga pamilya
Nasasakupan ng mga primadong hindi tao (lunti)

Ang Order o Orden na Primates ay isang pangkat ng mga mamalyang naglalaman ng lahat ng mga lemur, mga unggoy, at mga bakulaw na kabilang ang mga tao. Tinatawag ang mga kasapi nito na primate.[* 1] Mayroong mga umaabot sa 400 mga uri ng mga primate. Kahawig ng tao ang lahat ng mga primate sa ilang kaparaanan o katangian. Mayroon silang mga kamay na may limang mga daliri, mga kuko (karamihan sa ibang mga hayop ang may mga pangkahig). Nahahati ang mga primate sa dalawang mga grupo: ang Strepsirrhini at ang Haplorrhini. Kabilang sa Haplorrhini ang mga unggoy, mga tarsier at mga bakulaw, kabilang ang mga tao. Kabilang sa Strepsirrhini ang mga lemur, mga loris, mga galago (kilala rin bilang mga "sanggol ng palumpong") at ang aye-aye.

Mga talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. bigkas: /pri-ma-te/; mula sa Espanyol na primate


Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Groves, Colin (Nobyembre 16, 2005). Wilson, D. E., at Reeder, D. M. (mga patnugot). ed. Mammal Species of the World (Ika-3 ed.). Johns Hopkins University Press. pp. 111–184. ISBN 0-801-88221-4. http://www.bucknell.edu/msw3/browse.asp?id=12100001. 


Mamalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.