Klase (biyolohiya)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang iba't ibang antas sa pamamaraan ng pagpapangkat pang-biyolohiya. Espesye Henus Pamilya Orden Klase Phylum Kaharian Dominyo Buhay

Magnify-clip.png
Ang pagkakasunud-sunod (hirarkiya) ng walong pangunahing hanay pang-taksonomiya sa katipunang biyolohikal. Hindi ipinakikita ang mga ranggong panggitna.

Ang klase[1] ay isang kahanayang pang-taksonomiya sa pagtitipun-tipong pang-agham ng mga organismo sa larangan ng biyolohiya, na nasa ilalim ng lapi (kalapian) at nasa ibabaw ng orden.

Halimbawa, ang pangalang Mammalia ang klase na ginagamit sa katipunan ng mga aso na ang lapi ay Chordata (mga hahop na may mga notokurdon) at ang orden ng mga ito ay Carnivora (mga mamalyang kumakain ng karne).

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang klase ay isang natatanging ranggo ng klasipikasyong pang-biyolohiya, na may sarili at natatanging pangalan (na hindi tinatawag lamang na mataas na sari (Ingles: higher genus; Latin: genus summum). Ipinakilala ito ni Joseph Pitton de Tournefort, isang botanistang Pranses, sa kaniyang Eléments de botanique (Mga Sangkap ng Botanika) noong 1694. Si Carolus Linnaeus ang unang tahasang gumamit ng klase para sa mga hati ng lahat ng tatlong mga kaharian ng Kalikasan (kinabibilangan ng mga mineral, halaman, at hayop) sa kaniyang akdang Systema Naturae (Likas na Pamamaraan) (1735, unang labas). Mula noon, itinuring na ang klase bilang pinakamataas na antas pang-taksonomiya hanggang sa dumating ang mga pagsasanga-sanga (Pranses: embranchements), na sa ngayon ay tinatawag na kalapian (phylum [isahan], o phyla [maramihan]). Pinakilala naman ang mga kahatian noong ika-19 na dantaon.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na:


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.