Papa Pablo III

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pablo III)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Paul III
Nagsimula ang pagka-Papa 13 October 1534
Nagtapos ang pagka-Papa 10 November 1549
Hinalinhan Clement VII
Kahalili Julius III
Mga orden
Ordinasyon 26 June 1519
Konsekrasyon 2 July 1519
ni Pope Leo X
Naging Kardinal 20 September 1493
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakan Alessandro Farnese
Kapanganakan 29 Pebrero 1468(1468-02-29)
Canino, Lazio, Papal States
Kamatayan 10 Nobyembre 1549 (edad 81)
Rome, Papal State
Asawa Silvia Ruffini (mistress)
Mga anak Pier Luigi II Farnese
Paul Farnese
Ranuccio Farnese
Constanza Farnese
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Paul
Pampapang styles ni
Papa Pablo III
C o a Paulo III.svg
Sangguniang istilo His Holiness
Istilo ng pananalita Your Holiness
Istilo ng relihiyoso Holy Father
Istilo ng pumanaw None

Si Papa Pablo III (29 Pebrero 1468 – 10 Nobyembre 1549) na ipinanganak na Alessandro Farnese ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 1534 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1549. Siya ay ay naluklok sa trono ng papa sa panahon kasunod ng pagsalakay sa Roma noong 1527 at laganap na mga hindi katiyakan sa Simbahang Katoliko Romano kasunod ng Repormasyong Protestante. Sa kanyang pagkapapa at sa espirito ng Kontra-Repormasyon, ang bagong mga orden na Katoliko gaya ng mga Hesuita, Theatine, Barnabita at Kongregasyon ng Oratoryo ay nakaakit ng mga tagasunod. Kanyang tinipon ang Konseho ng Trent noong 1545. Siya ay isang mahalagang patron ng mga sinig at nagsanay ng nepotismo upang isulong ang kapangyarihan at mga kayamanan ng kanyang pamilya. Kay Papa Pablo III na inalay ni Nicolas Copernicus ang kanyang akdang De revolutionibus orbium coelestium (Tungkol sa mga Pag-ikot ng Mga Sperong Pangkalawakan).

Talambuhay[baguhin]

Si Pablo III ay ipinanganak noong 1468 sa Canino, Latium(na bahagi sa panahong ito ng mga Estado ng Papa). Siya ang pinakamatandang anak ni Pier Luigi I Farnese, Signore di Montalto (1435–1487) at kanyang asawang si Giovanna Caetani na isang kasapi ng pamilyang Caetani na pinagmulan din ni Papa Bonifacio VIII. Ang pamilyang Farnese ay sumagana sa loob ng mga siglo ngunit sa pagluklok sa pagkapapa ni Alessandro o Pablo III at kanyang dedikasyon sa pagpapadami ng mga interes ng kanyang pamilya nang nakakita ng malawak na pagtaas ng kapangyarihan at kayamanan ang kanyang pamilya. Ang kanyang edukasyong humanista ay sa Unibersidad ng Pisa at sa korte ni Lorenzo de' Medici. Sa simula ay sinanay siya bilang isang notaryong apostoliko. Kanyang sinalihan ang Kuriang Romano noong 1491 at noong 1493, siya ay hinirang na Kardinal-Deakono ni Papa Alejandro VI ng Santi Cosma e Damiano. Ang kerida o kabit ni Papa Alejandro VI na si Giulia Farnese ang kanyang kapatid na babae. Siya ay minsang pangungutyang tinatawag na "Borgia bayaw" kung paanong si Giulia ay kinutya na "Asawa ni Kristo" . Sa ilalim ni Papa Clemente VII, siya ay naging Kardinal Obispo ng Ostia at dekano ng Kolehiyo ng mga Kardinal. Sa kamatayan ni Papa Clemente VII noong 1534, siya ay hinalal na Papa Pablo III.


Katolisismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.