Pagganap (sining)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang pagganap, pag-akto, o pag-arte (Ingles: acting) ay ang gawain o pagkilos na isinasagawa ng isang aktor o ng isang aktres, na mga taong nasa larangan ng teatro, telebisyon, pelikula, o anumang iba pang mga midya ng pagkukuwento at nagsasalaysay ng kuwento sa pamamagitan ng paglalarawan o ng isang tauhan at, sa pangkaraniwan, ay nagsasalita o umaawit ng nakasulat na teksto o dula. Sa mundong Kanluranin, ang karamihan sa maagang mga sanggunian na sumisiyasat sa sining ng pag-arte (Griyego: ὑπόκρισις, hypokrisis) ay tumatalakay nito bilang isang bahagi ng retoriko (karunungan o kasanayan sa pagsasalita).[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Csapo at Slater (1994, 257); hypokrisis, na ang literal na kahulugan ay "pagganap," ay ang ginamit na salita sa loob ng mga talakayan na may pagpapahayag na retorikal.



SiningPelikula Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining at Pelikula ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.