Pagsabog ng minahan sa Heilongjiang noong 2009
lalawigan ng Heilongjiang | |
Petsa | 21 Nobyembre 2009 |
---|---|
Oras | 02:30 CST |
Lokasyon | Hegang, Heilongjiang, Tsina |
Mga nasawi | |
108 namatay at 29 na sugatan |
Ang Pagsabog ng minahan sa Heilongjiang noong 2009 (Tsino: 鹤岗新兴煤矿爆炸事故) ay isang aksidente sa minahan na naganap noong Nobyembre 21, 2009 malapit sa Hegang sa lalawigan ng Heilongjiang, hilagang-silangang bahagi ng Tsina. Mayroon nang 104 katao ang kumpirmadong namatay at may apat pa na nakulong sa loob ng minahan, tinatayang 500 metro ang lalim mula sa ibabaw.[1] May dalawampu't siyam pa ang naospital.[2][3] Naganap ang pagsabog sa minahan ng uling sa Xinxing bago pa pumutok ang araw mga bandang 02:30 CST, kung saan pinaniniwalaang 528 katao ang nasa loob ng nasabing minahan. Sa bilang na ito, 420 katao ang pinaniniwalaan naisalba, kahit pa sinasabi ng ibang opisyal nang nasabing bansa na nahihirapan ang mga nagsasalba dahil sa gas at mga labi ng pagkaguho ng lagusan.[4] Ang bilang nang namatay ang naging dahilan para maituring itong pinakamalalang aksidente sa minahan sa kamakailan lang na kasaysayan ng Tsina.[5] Humupa na ang pag-asang maisalba pa ang mga nakulong sa ilalim; subalit, isang opisyal ang nagsabi na pinagsusumikapan pa rin nila ang pagsasalba.[6] Sinabi ni San Jingguang, tagapagsalita ng isang kompanya ng minahan na "kung hindi namin sila makita, para samin ang ibig sabihin noon buhay pa sila."[7]
Binisita ng Chinese Vice-Premier Zhang Dejiang ang lugar na upang suriin ang ginagawang pagsasalba noong hapon ng Nobyembre 21, samantalang ang Pangulong Hu Jintao at Premier Wen Jiabao ay sinasabing "nagbigay ng tagubilin para sa gawaing pagsasalba".[2] Pareho din silang nagpahayag nang kanilang pakikiramay para sa mga namatay.[8] Samantala, nanawagan si Li Zhanshu, ang gobernador ng Heilongjiang para sa dagdag pang pamantayan sa kaligtasan sa mga minahan sa Tsina,[8] at nangako ang kagawaran ng kaligtasan sa trabaho ng lalawigan na paigtingin ang programa sa reporma ng pagmimina.[9]
Naunang nang naiulat ng telebisyon ng Tsina na ang bilang ng namatay ay umaabot na sa 31.[10] Hindi naglaon napabalita na nadoble ang bilang nang namatay sa paglipas ng napakalamig na gabi.[4][11]
Ang minahan na matatagpuan malapit sa hangganan sa Rusya, ay pagmamay-ari ng isang kompanyang hawak ng estado, [11] ang Heilongjiang Longmei Mining Holding Group, na bukas na simula pa noong 1917,[11] at nakakagawa ng 12 milyong tonelada ng uling kada taon,[4] na siyang dahilan kung bakit ito ay isa sa pinakamalaki at pinakamatandang minahan ng uling sa bansa[9]. Ang pagsabog ayun sa paunang imbestigasyon, ay sanhi ng nakulong at napresyur na mga sa ilalim,[5][12][13] na sanhi naman ng hindi magandang bentilasyon sa minahan.[14] Sa lakas nang pagsabog, nadama ito hanggang sa layong anim na milya. Marami sa mga gusali na malapit ang nasira, kasama na ang isang gusaling malapit mismo sa minahan na natuklab pa ang bubungan.[7] Sinabi ng direktor ng Hegang General hospital, kung saan nilulunasan ang mga nasugatan "na karamihan sa mga sugatan ay nakakaranas ng maraming pinsala, katulad ng pinsala sa paghinga, baling mga buto, at pagkalason dahil sa gas".[9][13]
Dahil sa aksidente napabalitang tinanggal na sa kanilang mga pwesto ang direktor, pangalawang direktor at pangunahing inhenyero ng kompanya ng minahan.[8][15][13] Iniimbestigahan na ng Chinese state prosecutor ang posibilidad na mayroong kapabayaang nangyari na naging dahilan ng pangyayari.[13][16] Naiulat ng Chinese state media noong Nobyembre 23, 2009 na ayun sa imbestigasyon ang hindi magandang pamamahala ang dapat sisihin sa insidente.[14] At noon ding Nobyembre 23, sinabi ng mga kaanak ng mga namatay na hindi sila pinasabihan ng mga opisyal ukol sa nangyaring aksidente.[17]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Mine Explosion Killed 104" (sa wikang Tsino). Sina.com. 23 Nobyembre 2009. Nakuha noong 23 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Bradsher, Keith (22 Nobyembre 2009). "At least 87 dies in Chinese mine explosion" (sa wikang Ingles). New York: New York Times. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "At least 89 killed in coal mine blast" (sa wikang Ingles). USA: Statesman.com. 22 Nobyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-07. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-06-07 sa Wayback Machine. - ↑ 4.0 4.1 4.2 Duncan, Maxim (22 Nobyembre 2009). "China mine explosion death toll reaches 87" (sa wikang Ingles). London: Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-04. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "China coal mine blast death toll reaches 87" (sa wikang Ingles). London: BBC News. 21 Nobyembre 2009. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Survivors recount mine disaster" (sa wikang Ingles). New York: Associated Press. 22 Nobyembre 2009. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 7.0 7.1 Cassidy, Katie (22 Nobyembre 2009). "China mine gas explosion death toll rises" (sa wikang Ingles). London: Sky News. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 "Hopes fade for miners as fatal blast toll hits 92" (sa wikang Ingles). Shanghai: Shanghai Daily News. 22 Nobyembre 2009. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 9.2 "87 workers perish in China mine disaster" (sa wikang Ingles). Phillipines: Phillipine Daily Inquirer. 22 Nobyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-23. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-11-23 sa Wayback Machine. - ↑ "Mine blast kills 42, scores still trapped in debris" (sa wikang Ingles). Paris: France24. 21 Nobyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-25. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 11.2 "Scores dead in China mine explosion" (sa wikang Ingles). London: The Times. 22 Nobyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-11-21. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "China mine death toll hits 92" (sa wikang Ingles). Atlanta: CNN. 22 Nobyembre 2009. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 13.2 13.3 "92 killed in China mine disaster" (sa wikang Ingles). Sydney: Sydney Morning Herald. 22 Nobyembre 2009. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 "Management blamed in China mine blas that kills 104" (sa wikang Ingles). New York: CNN. 23 Nobyembre 2009. Nakuha noong 23 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "China coal mine death toll hits 92" (sa wikang Ingles). New York: Bloomberg. 22 Nobyembre 2009. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mine explosion death toll reaches 92 in China" (sa wikang Ingles). Gulf Times. 22 Nobyembre 2009. Nakuha noong 22 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kosich, Dorothy (23 Nobyembre 2009). "Deadly blast in state owned Chinese coal mine in Heilongjiang kills 104 miners" (sa wikang Ingles). Nevada: Mineweb. Nakuha noong 23 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)