Panitikang Hindi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang panitikang Hindi (Hindī: हिन्दी साहित्य) ay ang panitikan sa wikang Hindi, ang opisyal na wika ng Indiya, ayon sa Konstitusyon ng Indiya (Artikulo Blg. 343),[1] at winiwika sa mga estado ng Haryana, Rajasthan, Uttar Pradesh, Uttarakhand, Bihar, Madhya Pradesh, Chhatisgarh, Jharkhand at Himachal Pradesh. Dahil dito ang panitikang Hindi ay naglalaman ng panitikan sa lahat ng mga wikang Hindi, kasama na ang mga diyalektong katulad ng Brij Bhasha, Bundeli, Awadhi, Kannauji, Marwari, Maithili, Magahi, Bhojpuri, Bihari at Khariboli (Makabagong Pamantayang Hindi) na nasa panitik na Devnagari, ang diyalektong isa sa opisyal na mga wika ng Indiya.[2] Malawakang nahahati ang panitikang Hindi sa apat na pangunahing mga anyo o mga estilo: ang Bhakti (debosyonal - Kabir, Raskhan); Shringar (kagandahan - Keshav, Bihari); Veer-Gatha (pagdarakila ng matatapang na mga mandirigma) at Adhunik (moderno).

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



PanitikanIndiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Indiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.