People of the Philippines v. Santos, Ressa and Rappler

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dahil sa People of the Philippines v. Maria Ressa, et al., si Maria Ressa (nasa itaas) ay nahatulan ng panimrang-puri

People of the Philippines v. Santos, Ressa and Rappler (ibig-sabihin Ang Bayan ng Pilipinas laban kay Ressa, Santos at Rappler) (R-MNL-19-01141-CR), na kilala rin bilang kasong paninirang-puri sa pamamagitan ng Internet kay Maria Ressa (kasong cyberlibel kay Maria Ressa), ay isang kapuna-punang kaso sa Pilipinas na isinampa laban kay Maria Ressa, isang makisamang may-ari (Ingles: co-owner) at pangulo (chief executive officer) ng Rappler, Inc.[1] Hinatulan ng cyberlibel si Maria Ressa, kasama sa isa pang dating manunulat sa Rappler, si Reynaldo Santos Jr., ng Hukom Rainelda Estacio-Montesa ng Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis ng Maynila, Sangay Blg. 46 noong 15 Hunyo 2020.[2][3]:36 Siya ang ikalawang tao sa Pilipinas na hinatulan sa kasong cyberlibel.[4]

Ang kaso ay nakatuon sa isang artikulo na inilathala sa Rappler ni Reynaldo Santos, Jr. na nag-aakusa sa dating Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ng pagtanggap ng mga pabor mula sa Pilipino-Tsino na negosyante na si Wilfredo Keng.[5] Ang artikulo ay inilathala nang apat na buwan bago ang batas ay umiral.[6][7]

Pagkatapos niyang hinatulan ng krimen, inanunsyo ni Ressa ang kanyang intensyon na magreklamo sa Hukuman ng Apela at, kung kinakailangan, sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.[8] Hindi hinatulan ng krimen ang korporasyon Rappler Inc. Nguni't, si Santos, bilang ang may-akda, ay hinatulan din.[8] Noong sinampahan si Santos ng kaso, hindi na siya nagtatrabaho bilang isang manunulat pa.[9]

Sinabi ng hukuman na si Ressa "… ay hindi nag-alok ng isang patak ng katibayan na pinatototohanan nila ang mga imputation ng iba't ibang mga krimen sa artikulo na ipinagtatanong … [Rappler] ay basta-basta lamang inilathala ang mga ito bilang balita sa kanilang online na publikasyon nang walang paggalang kung totoo o hindi sila. "[3]:34 Ang paghatol ay nagargumento rin na sinadya ng Ressa na tawagan ang kanyang sarili hindi bilang punong patnugot (editor-in-chief), pero bilang ehekutibong patnugot (executive editor), sa isang pagsisikap na maiwasan ang parusahan.[3]:25

Ang paghatol ay namintas ng mga organizasyon sa karapatang pantao.[10][11][12][13] Tinawag ng Mataas na Komisyoner ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Karapatang Pantao ang kaso na isang "halimbawa ng pagmamatakot" laban sa mga mamamahayag sa Pilipinas.[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Despite NBI flip-flop, DOJ to indict Rappler for cyber libel". Rappler (sa wikang Ingles). 2019-02-04. Nakuha noong 2020-06-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Ratcliffe, Rebecca (Hunyo 15, 2020). "Journalist Maria Ressa found guilty of 'cyberlibel' in Philippines". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong Hunyo 15, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Rainelda H. Estacio-Montesa (2020-06-15). "People of the Philippines v. Reynaldo Santos, Jr., Maria Angelita Ressa and Rappler Inc" (sa wikang Ingles). Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis ng Maynila, Sangay Blg. 46. Nakuha noong 2020-06-15 – sa pamamagitan ni/ng Abogado.com.ph.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Santiago, Salvador (2020-03-02). "Court finds Zambo Sur town dad guilty of cyber libel" (sa wikang Ingles). Philippine News Agency. Nakuha noong 2020-06-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Santos Jr., Reynaldo; Rufo, Aries (Mayo 29, 2012). "CJ using SUVs of 'controversial' businessmen". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 18, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Orendain, Simone (Oktubre 3, 2012). "Cybercrime Law in Philippines Draws Protests" (sa wikang Ingles). Voice of America. Nakuha noong Hunyo 18, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Buan, Lian (Enero 19, 2018). "NBI: Rappler can be liable for cyber libel despite non-retroactive law". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 18, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Buan, Lian (Hunyo 15, 2020). "Maria Ressa, Rey Santos Jr convicted of cyber libel". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 15, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Buan, Lian (Hunyo 18, 2020). "'I'm scared to go to jail, I'm not as fearless as Maria', says Reynaldo Santos Jr". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 18, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Cabato, Regine (Hunyo 15, 2020). "Conviction of Maria Ressa, hard-hitting Philippine American journalist, sparks condemnation". The Washington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 16, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Quash Maria Ressa and Rey Santos' conviction in the Philippines" (sa wikang Ingles). Amnesty International. Hunyo 15, 2020. Nakuha noong Hunyo 19, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Philippines: Rappler Verdict a Blow to Media Freedom" (sa wikang Ingles). Human Rights Watch. Hunyo 15, 2020. Nakuha noong Hunyo 19, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Editorial Board (Hunyo 15, 2020). "The Philippines slides toward autocracy". The Washington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 19, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)