Pumunta sa nilalaman

Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas[a], kilala rin sa Ingles bilang Philippine Area of Responsibility (PAR), ay ang sakop na responsibilidad ng PAGASA, ang pambansang ahensiyang pampanahon ng Pilipinas. Makikita ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Minomonitor ng PAGASA ang lahat ng mga sama ng panahon na nabubuo o pumapasok sa lugar na ito, lalo na sa mga bagyo, kung saan binibigyan nila ng pangalan ang mga ito pagpasok o pagkabuo nito rito.

Guhit 1: Ang Sakop ng Responsibilidad ng Pilipinas (nakapula).

Ang sakop na responsibilidad ng Pilipinas ay makikita at itinatakda ng anim na koordinadong ito:[1]

Sakop nito ang kabuuan ng Pilipinas maliban lamang sa ilang mga isla sa pinakatimog na bahagi ng lalawigan ng Tawi-Tawi. Kasama rin sa loob nito ang ilang mga isla sa Kapuluan ng Kalayaan na inaangkin ng bansa, ang bansa ng Palau, ang hilagang bahagi ng estado ng Sabah ng Malaysia, karamihan ng Taiwan, at ang prepektura ng Okinawa ng bansang Hapón.

Bagamat binabantayan ng PAGASA, hindi ito tumutukoy sa sonang pang-ekonomiya o pambansang teritoryo ng bansa.

Iba pang sakop

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Guhit 2: Ang mga dominyong binabantayan ng PAGASA. Ang kulay-dilaw na linya ay ang Dominyon ng Impormasyon (TCID), ang pula ay ang Dominyon ng Abiso (TCAD), at ang kulay-abong putol-putol na linya ay ang Sakop na Responsibilidad (PAR).

Bukod sa sakop na ito, may dalawa pang mas malawak na sakop na binabantayan ng PAGASA. Ito ang Dominyon ng Abiso sa mga Bagyo (Tropical Cyclone Advisory Domain, TCAD) at ang Dominyon ng Impormasyon sa mga Bagyo (Tropical Cyclone Information Domain, TCID).

Ang Dominyon ng Abiso sa mga Bagyo ay ang sakop na binabantayan ng PAGASA para sa mga bagyong nabubuo o dumadaan na masyadong malayo para magkaroon ng direktang epekto sa Pilipinas ngunit malapit na para mabantayan ang mga ito.[2] Hindi kasama sa sakop na ito ang Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas.[2] Umaabot ito sa lalawigan ng Fujian ng Tsina.

Ang mga koordinado nito ay:[2]

Samantala, ang Dominyon ng Impormasyon sa mga Bagyo ay ang pinakamalayong at ang pinakamalaking dominyon ng PAGASA.[2] Mababa lamang ang pag-alala ng PAGASA sa mga bagyong nabubuo o dumadaan sa sakop na ito, ngunit kinakailangan pa rin itong bantayan at malaman ng publiko.[2] Hindi kasama sa sakop na ito ang Sakop na Responsibilidad at Dominyon ng Abiso.[2] Umaabot ito hanggang sa karamihan ng isla ng Borneo (lalo na ang lalawigan ng Hilaga, Silangan, at Kanlurang Kalimantan ng Indonesia, Sarawak ng Malaysia, at ang bansang Brunei), halos kabuuan ng silangan at timog-silangang bahagi ng Tsina (kanlurang bahagi ng isla ng Hainan, mga lalawigan ng Jangxi, Hunan, Hubei, Guangxi, Zhejiang, Anhui, Henan, pinakatimog na bahagi ng Shandong, pati na ang mga espesyal na rehiyon ng Hong Kong at Macau), pinakatimog na bahagi ng Timog Korea (partikular na ang Timog Jeolla at ang isla ng Jeju), at ang katimugang bahagi ng bansang Hapón (mga isla ng Kyushu at Shikoku, mga prepektura ng Yamaguchi, Hiroshima, Okayama, Shimane, Hyogo, Wakayama, Nara, at Mie, pati na rin ang pinakatimog na bahagi ng mga prepektura ng Aichi at Shizuoka).

Ang mga koordinado nito ay:[2]

Binigyan ng tungkulin ng utos na nagtatag sa PAGASA na bantayan ng naturang ahensiya ang mga sama ng panahong nangyayari sa loob ng sakop na responsibilidad nito.

Binibigyan ng lokál na pangalan ng PAGASA ang mga bagyong pumapasok o nabubuo sa loob ng sakop na responsibilidad nito. Ang pangalang ito ay magkasamang ginagamit ng ahensiya kasabay ng mga pangalang pang-internasyonal na binibigay naman ng Ahensiyang Pampanahon ng Hapón (JMA), ang ahensiyang binigyan ng tungkulin ng Organisasyong Pampanahon ng Mundo (WMO) para sa pagbabantay sa mga bagyong nasa hilagang-kanlurang Pasipiko.

Ang panukalang nagtatag sa PAGASA ay inuutos ang ahensya, partikular ang National Weather Office nito, na bantayan ang mga kaganapang pangpanahon sa loob ng PAR.[3] Itinakda ng World Meteorological Organization ang lugar na ito.[4]

Ang mga depresyong tropikal at bagyo ay binibigyan lamang ng lokal na pangalan ng PAGASA kung ito ay pumasok o nabuo sa PAR.[5][6]

Kapag may insidente ng sama ng panahon sa PAR ay inaasahang gumawa ng pagguho ng lupa o gumuho ng lupa sa Pilipinas, ang PAGASA ay may tungkulin na maglabas ng ulat sa panahon sa bawat anim na oras. Kung ang sama ng panahon ay hindi nagaapekto sa lupa, ang PAGASA ay may tungkuling lumabas ng ulat sa bawat labindalawang oras.[7]

  1. Maaari ring maisalin bilang Lugar ng Alalahanín ng Pilipinas.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Memorandum Circular No. 02-2013 - Guidelines on Movement of Vessels During Heavy Weather" [Memorandum Sirkular Blg. 02-2013 - Gabay sa Pagbiyahe ng mga Sasakyang Pandagat Tuwing Matindi ang Panahon] (sa wikang Ingles). Tanod Baybayin ng Pilipinas. Hunyo 5, 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-17. Nakuha noong Nobyembre 30, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 "Philippine Area of Responsibility" [Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas]. PAGASA. Nakuha noong Nobyembre 11, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Presidential Decree No. 78 -Establishing the Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration" [Panukalang Pangpangulo Blg. 78, Ang Pagtatag sa Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko]. The LawPhil Project (sa wikang Ingles). Disyembre 8, 1972. Nakuha noong Nobyembre 30, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Tropical cyclones, rainfall advisories" [Paalala ukol sa mga bagyo at pagpatak ng ulan]. Rappler. Septembre 22, 2017. Nakuha noong Nobyembre 30, 2017. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  5. "Philippine Tropical cyclone names" [Pangalang Pilipino ng mga Bagyo] (sa wikang Ingles). PAGASA. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 28, 2016. Nakuha noong Enero 17, 2017. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Rosero, Earl Victor (Septembre 27, 2011). "Why and how storms get their names". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 30, 2017. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong); Unknown parameter |trans-tile= ignored (tulong)
  7. Carillo, Jose (Hulyo 18, 2014). "Getting acclimatized to PHL's weather terminology" [Pagiging sanay sa mga terminong pangpanahon ng Pilipinas]. Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 1, 2017. Nakuha noong Nobyembre 30, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)