Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig(mula kaliwa hanggang kanan, taas hanggang ilalim):Dakilang Piramide ng Giza, Mga Nakabiting Hardin ng Babilon, Templo ni Artemis at Efeso, Estatwa ni Zeus sa Olympia, Mausoleo sa Halicarnassus, Colossus ng Rhodes, at Paro ng Alehandriya gaya ng ipinapkita ng pintor na Dutch na si Maarten van Heemskerck noong ika-16 siglo.
Ang Dakilang Piramide ng Giza ang tanging isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig na nakatayo pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Ang Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig ay isang kilalang talaan ng kamangha-manghang mga gusali o mga pagtatayo noong klasikong panahong sinauna.[1] Ininatay ito sa ilang mga panggabay na aklat na sikat sa sinaunang mga turistang Heleniko (Sinaunang Gresya). Ilan sa panggabay na mga aklat na ito ang mga bersyong inakdaan nina Antipater ng Sidon at isang tagapagmasid na kinikilala bilang si Philon ng Bisantyum, na binubuo ng pitong mga gawang nakalagay sa paligid ng tagiliran ng Mediteraneo. Sa paglaon, nakapagbigay ng inspirasyon ang orihinal na talaang ito sa hindi mabilang na mga bersyon sa paglipas ng mga panahon, kadalasang nakatuon lamang sa may hangganang bilang ng pitong mga pagbanggit. Sa pitong orihinal na Pitong Mga Hiwaga, isa lang  – ang Dakilang Piramide ng Gisa  – ang nananatiling buo pa hanggang sa kasulukuyang panahon.

Ang Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig ang:

Pangalan Petsa ng pagtatayo Tagapagtayo Petsa ng pagkawasak Sanhi ng pagkawasak Modernong lokasyon
Great Pyramid of Giza 2584–2561 BC Egyptians Umiiral pa rin Giza Necropolis, Ehipto
Nakabiting mga Hardin ng Babilon c. 600 BCE (evident) MgaBabylonian Pagkatapos ng unang siglo BCE Mga lindol Hillah, Babylon Province, Iraq or
Nineveh, Nineveh Province, Iraq
Templo ni Artemis sa Efeso c. 550 BCE; at muli noong 323 BCE Mga Lydian, Mga sinaunang Griyego 356 BC (by Herostratus)
AD 262 (by the Goths)
Arson ni Herostratus, Pandarambong near Selçuk, Izmir Province, Turkey
Estatwa ni Zeus sa Olympia 466–456 BCE (Templo)
435 BCE (Estatwa)
Mga sinaunang Griyego ika-5 hanggang ika-6 na siglo CE Giniba; kalaunang winasak ng apoy Olympia, Gresya
Mausoleo sa Halicarnassus 351 BC Carians, Mga Griyego noong 1494 CE Mga lindol Bodrum, Turkey
Colossus ng Rhodes 292–280 BCE Mga Griyego 226 BCE lindol Rhodes, Greece
Paro ng Alehandriya c. 280 BCE Ehiptong Ptolemaiko, mga Sinauang Griyego 1303–1480 CE lindol Alehandriya, Egypt

A timeline of the Seven Wonders of the ancient world.png

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Anon. (1993)The Oxford Illustrated Encyclopedia, Unang Edisyon, Oxford:Pamantasan ng Oxford