Pumunta sa nilalaman

Programang pangkalawakan ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
A cube satellite inside a room.
Diwata-1, isang buntabay

Ang programang pangkalawakan ng Pilipinas ay desentralisado at pinasasamunuhan ng maraming pangasiwaan ng pamahalaan sa ilalim ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST). Ang mga pangasiwaan na ito ang Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas (PAGASA), Pambansang Pangasiwaan sa Pag-mamapa at Dulugang Kaalaman (NAMRIA) at ang Pambansang Tanggapan para sa Pagtugon ng Sakuna.[1][2][3] Gayunman, itinakda na maitatatag ang sentralisadong Pangasiwaang Pangkalawakan ng Pilipinas pagkatapos isinabatas ang "Ang Batas Kalawakan ng Pilipinas" (Republic Act 11363) noong 8 Agosto 2019. Pinopondohan ang programang pangkalawakan sa pamamagitan ng National SPACE Development Program ng DOST. Namuno ang mga dating inisyatibo sa Pilipinas sa teknolihiyang pangkalawakan ng mga pribadong bahay-kalakal ngunit sa mga kamakailang taon naging mas malaki ang papel ng pamahalaan rito.

Mula noong dekada 1960, kasangkot ang Pilpinas sa teknolihiyang pangkalawakan, noong nagtayo ang pamahalaan ng isang likhang buntabay sa pangangasiwa ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Bilang karagdagan, sa huling bahagi ng panahong ito, natamo ng isang pribadong Pilipinong bahay-kalakal ang kauna-unahang buntabay ng bansa, Agila-1 na ibinunsod bilang isang bunatabay ng Indonesia.[4] Noong dekada 1990, ibinunsod ng Mabuhay ang Agila 2 patungong kalawakan mula sa Tsina.

Noong dekada 2010, nakipagsosyo ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga Unibersidad ng Tohoku at Hokkaido ng Hapon para ibunsod ang unang buntabay na dinisenyo ng mga Pilipino, Diwata-1. Diwata-1 ay isang mikbuntabay.[5] Nakapagbuo at nakapagbunsod din ang pamahalaan ng dalawa pang maliit na buntabay, Diwata-2 at Maya-1.

Programang Buntabay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Agila-2 ang unang buntabay ng Pilipinas na ipinadala sa kalawakan. Ang buntabay ay umiiral na bilang ABS-3.

Ang Mabuhay Philippines Satellite Corporation ay nakuha ang Indones na buntabay, ang Palapa B-2P mulas Pasifik Satelit Nusantara. Ang buntabay ay inilipat sa isang bagong puwang orbital noong Agosto 1, 1996. Ang bagong pangalan ng buntabay ay Mabuhay at ang naging unang buntabay ng bansa na nasa orbita.[6][7][8]

Ang unang buntabay na ipinadala ng Pilipinas sa kalwakan ay ang Agila-2, na may tulong sa Tsina. Ang buntabay na pangkomunikasyong ay ipinadala sa kalawakan sa pamamagitan ng Long March 3B sa Xichang Satellite Launch Center noong Agosto 19, 1997.

Plano ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya na ipadala sa kalawakan ang unang microsatelayt ng bansa sa Hulyo 2016 sa tulong ng Pangasiwaan ng Pagsasaliksik Erospesyal ng Hapon. Ang pagsisikap ay bahagi ng programa ng bansa ukol sa pagtugon sa sakuna. Isang himpilang tagatanggap ay ipapatayo rin sa bansa.[9][10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Luces, Kim (Oktubre 15, 2013). "Reaching for the stars: Why the Philippines needs a space program". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 21, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cinco, Maricar (Nobyembre 7, 2012). "Gov't space agency pushed". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 21, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Pineda, Oscar (Marso 10, 2013). "Country needs to upgrade weather detection gear". Sun Star Cebu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 17, 2020. Nakuha noong Disyembre 21, 2014. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. "Mabuhay acquires Indon satellite;sets new orbit". Manila Standard. Hulyo 25, 1996. Nakuha noong Hulyo 16, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "First Philippine microsatellite "DIWATA" set to launch". Official Gazette of the Republic of the Philippines. 18 Enero 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Enero 2016. Nakuha noong Hulyo 16, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Mabuhay acquires Indon satellite;sets new orbit". Manila Standard (sa wikang Ingles). Hulyo 25, 1996. Nakuha noong Disyembre 21, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Mabuhay Acquires Pasifik Satellite". Telecompaper (sa wikang Ingles). Agosto 6, 1996. Nakuha noong Hunyo 30, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Palapa B-2P". Weebau Space Encyclopedia (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 21, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. De Guzman, RJ (Hulyo 24, 2014). "PH soon in space; DOST to launch satellite by 2016". Kicker Daily News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 7, 2014. Nakuha noong Disyembre 21, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Usman, Edd; Wakefield, Francis. "PH to launch own microsatellite in 2016" (sa wikang Ingles).