Red-tagging sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang red-tagging sa Pilipinas, o pagtutukoy bilang pula (pula, nangangahulugang "Komunista" o/at "terorista") ay tumutukoy sa malisyosong pagba-blacklist ng mga indibidwal o organisasyong kritikal o hindi ganap na sumusuporta sa mga aksiyon ng nakaupong administrasyon ng gobyerno sa bansa. Ang mga indibidwal at organisasyong ito ay "itinalaga" bilang komunista o terorista o pareho, anuman ang kanilang aktwal na paniniwala o kinabibilangan sa politika.[1] Ito ay isang uri ng pag-uudyok at may masamang epekto sa mga target nito.[2] Ang red-tagging ay maaaring isagawa ng alinman sa mga pampublikong tagapaglingkod o utusan.

Ang red-tagging sa Pilipinas ay bakas ng Digmang Malamig at may mahabang kasaysayan bilang dating kolonya ng Estados Unidos,[3] at mga grupong may mga inaadhika kabilang ang mga Nagkakaisang Bansa,[4] Amnesty International,[5] at Human Rights Watch[6] na ang paggamit nito bilang isang taktikang pampulitika ay sumisira sa demokrasya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpigil sa hindi pagsang-ayon, na nagbubunga ng isang nakagigimbal na epekto sa pangkalahatang diskurso at, higit na tuso, naghihikayat ng mga pamamaslang at paghihiganti.[7]

Pagpapakahulugan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karaniwang binibigyang-kahulugan bilang panliligalig o pag-uusig sa isang tao dahil sa "kilala o pinaghihinalaang mga simpatiyang komunismo,"[8] ang malawak na kasaysayan ng red-tagging sa Pilipinas ay humantong sa pagkilala sa ilang pormal na kahulugan mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Ang Komisyon ng Karapatang Pantao ay sumusunod sa kahulugang inilatag ng International Peace Observers Network (IPON), na tumutukoy rito bilang:[9]

Isang gawain ng mga aktor ng Estado, partikular na ang mga ahensiyang nagpapatupad ng batas, upang i-brand sa publiko ang mga indibidwal, grupo, o institusyon bilang… kaakibat ng mga komunista o makakaliwang terorista.

Mga apektadong grupo[baguhin | baguhin ang wikitext]

Protesta sa harapan ng DILG, Lungsod Quezon laban sa NTF-ELCAC sa ikalawang anibersaryo nito, Disyembre 4, 2020.

Kasama sa mga organisasyong madalas na napapailalim sa red-tagging sa Pilipinas ang mga grupo ng karapatang sibil,[10] institusyong panrelihiyon,[11][12] unyon ng manggagawang pangkalusugan,[13] akademya,[14][15] at ang mainstream at alternatibong media.[16] Ang mga grupo ng mga manggagawa at magsasaka[17][18] at mga tagapagtanggol ng lupa at kapaligiran[19] ay madalas ding nire-red-tag. Ang ilan sa mga organisasyon at institusyong ito ay binansagan bilang mga prente, tagasuporta o mga simpatisador lamang ng Bagong Hukbong Bayan.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

 

  1. Torres, Jose (Mayo 8, 2019). "Religious, rights groups fight 'red tagging' in Philippines". UCA News. Nakuha noong Disyembre 6, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "VERA FILES FACT SHEET: Why 'red-tagging' is dangerous". Vera Files.
  3. Pagusara y J., Don [sa Cebuano] (2015-11-11). "Foreign Colonial Ideology".{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Robles, Nathalie (Mayo 3, 2019). "UN experts urge PH gov't to stop red-tagging".{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Philippines: Stop 'Red-Tagging', Investigate Killings of Journalists". www.amnesty.org.
  6. "Human Rights Watch expresses 'deep concern' over red-tagging in Cagayan de Oro". Rappler.
  7. News, Adrian Ayalin, ABS-CBN. "Red-tagging schools may embolden military to suppress rights, freedom – CHR". ABS-CBN News. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  8. "VERA FILES FACT SHEET: Why 'red-tagging' is dangerous". Vera Files.
  9. "VERA FILES FACT SHEET: Why 'red-tagging' is dangerous". Vera Files.
  10. Navallo, Mike (Mayo 30, 2019). "SC grants rights groups' bid for protection from 'red-tagging'". ABS-CBN News.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  11. Orellana, Faye (Abril 9, 2019). "Religious leaders slam government for red-tagging missionaries". Inquirer.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  12. Esmaquel II, Paterno (Marso 13, 2019). "Christian group slams red-tagging of Aglipayan bishops". Rappler.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  13. Carreon, Jire (Mayo 31, 2019). "Stop red-tagging of health workers". ABS-CBN News.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  14. "UST condemns AFP's 'red-tagging'". varsitarian.net.
  15. "Xavier University slams red-tagging of its faculty, immersion program". Rappler.
  16. "Against "Red-tagging": Media Provide Needed Context | CMFR". cmfr-phil.org. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Setyembre 5, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Torres, Jose (Mayo 8, 2019). "Religious, rights groups fight 'red tagging' in Philippines". UCA News. Nakuha noong Disyembre 6, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Cutin, Monica (Marso 15, 2020). "Church, farmers say TF-ELCAC behind red-tagging spree". Nordis Dispatch. Nakuha noong Disyembre 6, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Red-tagging, attacks on rights and environmental defenders intensify amid looming enactment of terror bill | Karapatan". Karapatan. Hunyo 29, 2020. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2020-11-25. Nakuha noong 2020-12-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)