Salamangka (mahiya)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Salamangka (paglilinaw).
Si Tenjiku Tokubei, isang salamangkerong manggagaway mula sa Sinaunang Hapon. Habang nakasakay sa isang dambuhalang palaka pinapagalaw niya ang kaniyang mga daliri para makahimok at makalikha ng salamangka.

Ang salamangka[1][2], mahiya, o madyik (Ingles: magic) ay isang gawain o talento ng isang salamangkero na matatawag ding sining ng mahika.[1] Sa sining ng salamangka, may angking kapangyarihan ang isang natatanging tao upang makagawa ng mga matatawag na pambihira at kagila-gilalas na mga bagay o himala. Kabilang sa mga kilalang salamangkero o madyikero si Merlin, ang manggagaway o hukluban sa panahon ng kuwento tungkol sa alamat ni Haring Arturo at ang Bilog na Mesa. Karaniwang bumibigkas ng salita o dasal, o kaya mga kilos ng kamay, ang mga salamangkero para makahikayat at makalikha ng salamangka. Tinatawag ding madyikero, madyisyan, at magician ang mga salamangkero.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 "Salamangka, madyik, mahiya, mahika, nakatala kay Padre English na tanggap sa Tagalog ang baybay na magician bagaman galing sa Ingles". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  2. Salamangka, magic, Tagalog English Dictionary, Bansa.org