Sedimentolohiya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Triassic Utah.JPG

Ang sedimentolohiya ay sumasaklaw sa pag-aaral ng makabagong mga sedimento katulad ng buhangin,[1] banlik,[2] at putik,[3] at ang mga prosesong nagreresulta sa kanilang deposisyon (pagkakadeposito) o pagkakalagak at pagkakasapin-sapin.[4] Ginagamit ng mga sedimentologo o sedimentolohista ang kanilang pagkakaunawa sa makabagong mga proseso sa pagpapaliwanag ng kasaysayahang pangheolohiya sa pamamagita ng obserbasyon ng mga batong sedimentaryo at mga kayariang sedimentaryo.[5] Halos natatakpan ng mga batong sedimentaryo ang ibabaw ng Daigdig, nagtatala ng Kasaysayan ng Daigdig, at kumakanlong sa mga tala ng mga kusilba o rekord ng mga posil. Malapit na nauugnay ang sedimentolohiya sa estratigrapiya (stratigraphy sa Ingles), ang pag-aaral ng pisikal at temporal na kaugnayan sa pagitan ng mga patong ng bato o istrata (istratum).

Ang pahayag na batayan ng pangangatwiran na nagsasabing ang mga prosesong nakakaapekto sa daigdig ngayon ay katulad ng sa nakaraan ay ang batayan sa pag-alam kung paanong nabuo ang mga katangiang sedimentaryo sa loob ng talaan ng bato. Sa pamamagitan ng paghahambing ng magkakatulad na mga katangiang pangkasalukuyan sa mga katangian sa loob ng talaan ng bato – halimbawa, sa paghahambing ng makabagong dalisdis ng buhangin sa mga dalisdis na napreserba sa sinaunang mga aeolianong piyedra – muling nabubuo ng mga geologo ang mga kapaligirang lumipas na.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Raymond Siever, Sand, Scientific American Library, New York (1988), ISBN 0-7167-5021-X.
  2. P.E. Potter, J.B. Maynard, at P.J. Depetris, Mud and Mudstones: Introduction and Overview Springer, Berlin (2005) ISBN 3-5402-2157-3.
  3. Georges Millot, isinalin [mula sa Pranses] ni W.R. Farrand, Helene Paquet, Geology Of Clays - Weathering, Sedimentology, Geochemistry Springer Verlag, Berlin (1970), ISBN 0-4121-0050-9.
  4. Gary Nichols, Sedimentology & Stratigraphy, Wiley-Blackwell, Malden, MA (1999), ISBN 0-6320-3578-1.
  5. Donald R. Prothero at Fred Schwab, Sedimentary Geology: An Introduction to Sedimentary Rocks and Stratigraphy, W. H. Freeman (1996), ISBN 0-7167-2726-9.



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.