Marte

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Marte (paglilinaw).
Planetang Marte

Ang Marte o Mars ay ang ika-apat na planeta mula sa Araw sa ating sistemang solar. Ipinangalan ito sa Romanong diyos ng digmaan (Ares sa Mitolohiyang Griyego). Kilala din ang Marte bilang "Ang Pulang Planeta" hinggil sa mamulang anyo nito kapag nakikita mula sa Daigdig sa gabi. May dalawang buwan ang Marte, ang Phobos at Deimos, na maliliit at kakaiba ang hugis at posibleng nakuhang mga asteroyd katulad ng 5261 Eureka. Makikita ang Marte mula sa Daigdig sa pamamagitan ng hubad na mata (naked eye) na may kaliwanagan ng hanggang -2.9 magnitud, nilalagpasan lamang ng Venus, Buwan at Araw.

Tumutukoy ang unlaping areo- sa Marte katulad sa pagtukoy ng geo- sa Daigdig — halimbawa, ang areolohiya laban sa heolohiya. Ginagamit din ang areolohiya (areology) bilang pangtukoy sa pag-aaral sa Marte sa isang kabuuan sa halip sa mga prosesong heolohikal ng planeta. Ang simbolong astronomikal ng Marte ay ♂, isang bilog na may palaso na tumuro sa hilaga-silangan. Kinakatawan ng simbolong ito ang kalasag at sibat ng diyos na Marte, at sa biyolohiya, ginagamit ito bilang tanda para sa kasariang lalaki.

Tumutukoy sa Intsik, Hapon, Koryano at Vietnames na mga kultura ang planeta bilang 火星, or bituing apoy, isang pagpapangalan na nakabatay sa lumang mitolohikal na Intsik ng sirkulo ng Limang Elemento.


Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.