Sharazad
Si Sharazad[1], Shahrazad (transliterasyong Persa) o Scheherazade (IPA: /ʃəˌhɛrəˈzɑːd, -ˈzɑːdə/), minsang Scheherazadea, at ang isa pang Persang transliterasyon ay ang Shahrzād (Persa: شهرزاد Šahrzād, Arabe: Šahrazād), ay isang maalamat na Persang reyna at tagapagkuwento ng Ang Isanglibo't Isang Gabi.
Isa siyang prinsesang anak na babae ng punong ministro na naglilingkod kay Haring Shahryar, isang haring namihasa sa pagpapatay ng asawa na susundan ng muling pagpapakasal sa bagong babae araw-araw. Nasagip ni Sharazad ang kanyang sarili mula sa kamatayan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kuwento sa loob ng 1,001 mga gabi. Noong gabi ng kanyang kasal, nagsimulang magkuwento si Sharazad sa hari, ngunit huminto nang maabot na niya ang pinakamaigting na bahagi nito, at nagsabing kailangan payagan siya ng haring mabuhay pa ng isang araw upang marinig ng hari ang katapusan ng kuwento. Pagkaraan ng 1,001 isang gabing pagsasalaysay, umayaw at natigil na ang plano at gawi ng hari hinggil sa pagpapalit-palit ng asawa. Kabilang sa kuwentong isinalaysay ni Sharazad ang tungkol kay Sindbad ang Mandaragat at kay Aladdin.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Told Stories for 1,001 Nights?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 74.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.