Solo, Mabini, Batangas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Solo (Mabini, Batangas))
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Kasaysayan ng Baranggay Solo[baguhin]

Ayon sa matandang kasulatan, ng lalangin ng Maykapal ang langit at lupa sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, ay sumulpot ang di matapos-tapos na lakaring kalupaan; nang kanyang palamutihan ang lupa ng mga magagandang tanawin tulad ng gubat, kaparangan at batisan; nang kanyang ibitin sa langit ang maningning na ilaw, ay kasabay na nilikha rin naman ay ngayon ay nayon ng Solo.

Ang magandang kasaysayan ng nayon ng Solo ay sumipot ng taon na ang Pilipinas ay sakop ng mga Kastila. Panahon noon ng himagsikan Pilipino laban sa mga Kastila at pagkatapos naman ay Pili[ino laban sa mga Amerikano. At nang tayo'y mapasakamay naman ng mga Amerikano, sa kaunting katahimikang naghari ay nagsulpot-sulpot naman ang mga masasamang loob, mandarambong at mga pirata o tulisang dagat.

Nagharing muli ang ilan-ilang kaguluhan at ang mga bayan-bayan ay naligalig, gayaon din ang mga mamamayan gawa ng mga taong ito. Noon, ang nayon ng Solo ay wala pang pangalan at hindi rin nakaligtas sa panggugulo ng mga masasamang loob. Diumano, tangkang dumaong rito ng mga pirata upang nakawan ang mga tao, subalit sa anong himala hindi nakapunta sa tabi ang mga pirata dahil sa pagkasilaw sa isang liwanag na tila ba buhat sa langit. At ito raw ang pinagsimulan ng ngalan ng nayong Solo na ang kahulugan ay "silaw".

Mayroon namang nagsasabi na ang pangalan ng nayon ay nanggaling sa salitang "sulo" o ilaw. Diumano, noong panahon ng mga Amerikano, ay may nagrerekoridong mga sundalo na napadaan sa isang lugal na may dalawang taong naglalagari ng kawayan na gagawing sulo sa pag-iilaw sa angganan (coral reefs)sa tabing dagat. Palibhasa'y baguhan sa pook na iyon, ang mga sundalong Amerikano ay nagtanong sa dalawa, "What's the name of this place?" At sa pag-aakalang ang itinatanong ay kung ano ang kanilang ginagawa, sumagot ang isa ng "sulo". Kaya, nang marinig ng isang Amerikano ang salitang ito, tatangu-tangong ginagad niya ang, "Ah, SOLO". Buhat noon, ang Sulo ay naging Solo na lamang at ito rin ang nakarehistro sa ating opisyal na mapa, palibhasa'y mga Amerikano na rin ang nagsukat ng ating mga kapuluan sa bansa.

Ang nayong Solo, o barangay ng Solo sa katawagan ngayon, ay natatayo sa tabi ng dalampasigan ng Balayan Bay sa pagitan ng Bundok Manaknet sa silangan, Bundok ng Hulo sa Timog, at sa bundok ng bulihan sa timog-kanluran. Ang babayin sa hilaga ay nalalatagan ng karamihang bato sa buhangin. Ang naghahati sa Solo at Anilao sa dakon hilagang- silangan ay ang punt ng Mato, na lalong kilala sa pangalang Punta Matutunggil.ang buong kanayunan ay patuloy pakanluran hanggang sa may punta ng Mayaman (walang pangalan sa mapa) na siya namang naghahati sa Solo at barangay Ligaya.

Ang pinakaulo sa mga naninirahan dito ay mga ninuno na nanggaling sa mga maunlad na bayan ng Taal at Lemery, sa lalawigan din ng Batangas. Nagsimula ang mga mag-anak sa mga pamilya ng Baticos, Luistro, Napa, Dolor at Enriquez. Maraming naragdagan sa pamayanan sa pagdaraan ng mga taon dala ng pakikipagbuklod sa mga taga-ibang lugal, Ang mga sityo na bumubuo rito ay ang Sentro ng Solo, Looban, Hulo, Biga, Malaya, Ginhawa at Bulihan. Sa kasalukuyan ay binubuo ito ng may mahigit na 500 bahay na pinaninirahan ng daang malalaking pamilya.

Sa nayon ay mayroon ding naitayong mga pahingahan o "beach resorts" na pinagdarayo din ng mga turista, lokal o taga-ibang bansa. Kabilang dito ang Divekamp Seaport Center and Windsurfing School, Dive South Marina at ilang pribadong "rest houses" na maaaring paupahan din. Mararating ang mga ito sa pamamagitan ng mga bangkang de motor o sa "national road" mula Anilao hanggang sa ibang barannngay pakanluran sa pamamagitan ng mga , jeep, van, trak at mga road coaster. Ang nayon ay mistulang paraisong pahingahan lalo na sa buwan ng Oktubre hanggang Mayo kung wala na ang mga bagyo o sama ng panahon.

Ang nayon ng Solo ay isang matibay na halimbawa ng determinasyon pagsisikap at pagpupunyugi ng kanyang mga mamamayan. Sa mga kongkretong bahay, maga nakatirik na antena ng telebisyon sa halos lahat ng bahay, mga dumadagundong na tunog ng mga stereo at components, mga naglalakihang video tape machines at makabagong home appliances, di na masisinag kahit na anino ng mga mangilan-ngilang bahay-pawid na nakatayo noong sumiklab ang Ikalawang Digmaang pandaigdig. Sa daan-daang kabataang pumapasok sa dalawang pribadong hayiskol sa kabayanan mababanaag ang lakas ng edukasyon; sa pag-alis at pagdating ng mga kanayon patungo at pagbalik mula sa paghahanapbuhay sa ibang bansa madarama ang kaunlarang ni sa panaginip ay di halos makita noong bago pumasok ang ika-20 siglo.