Steve Jobs

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Steve Jobs
Shoulder-high portrait of smiling man in his fifties wearing a black turtle neck shirt with a day-old beard holding a phone facing the viewer in his left hand
Si Steve Jobs habang hawak ang puting iPhone 4 sa Worldwide Developers Conference 2010
Kapanganakan Steven Paul Jobs
24 Pebrero 1955(1955-02-24)
San Francisco, California, U.S.
Kamatayan 5 Oktubre 2011 (edad 56)
Palo Alto, California, U.S.[1]
Alma mater Reed College (isang semestro noong 1972)
Hanapbuhay Chairman, Apple Inc.
Net worth $8.3 bilyon (2011)[2]
Board member of The Walt Disney Company,[3] Apple, Inc.
Pananampalataya Budismo[4]
Asawa Laurene Powell Jobs (1991–2011)
Anak 4
Mga kamag-anak Mona Simpson (kapatid na babae)
Lagda
Websayt
Steve Jobs
Steve Jobs.jpg

Si Steven Paul Jobs (Pebrero 24, 1955 - Oktubre 5, 2011) ay isa sa mga nagtatag at CEO ng Apple Inc. at ang CEO ng Pixar hanggang sa binili ito ng Disney[5] Siya ang pinakamalaking shareholder ng Disney ngayon[6] at kasapi siya sa pangkat ng mga direktor ng Disney. Siya ay isang prominenteng tao sa larangan ng industriyang kompyuter at libangan.[7]

Sa mga huli ng 1970s, si Jobs kasama si Steve Wozniak, Mike Markkula at iba pa ay nagdisenyo, lumikha at nagbenta ng isa sa matagumpay na mga linya ng personal na kompyuter, ang Apple II series. Noong 1980's, si Jobs ang isa sa mga nakakita ng potensiyal ng Xerox PARC na may grapikal na interpasyo gamit ang isang daga(mouse) na nagdulot sa pagkakalikha ng Macintosh. Pagkatapos ng pakikipag-alitan sa mga lupon na direktor ng Apple noong 1985, si Jobs ay nagbitiw sa trabaho at nagtatag ng NeXT, isang kompanya na lumikha ng plataporma ng kompyuter na pang mataas na edukasyon at pangnegosyo. Ang pagbili ng Apple sa NeXT ay nagbalik kay Jobs sa kompanyang kanyang itinatag at nagsilbing CEO nito mula 1997 hanggang 2011. Noong 1986, kanyang binili ang dibisyong grapiko ng Lucasfilm Ltd na umusbong mula sa Pixar Animation Studios. Siya ay nanatiling CEO at pangkaramihang tagahawak ng sapi(stock) nito sa halagang 50.1 porsiyento hanggang sa mabili ito ng kompanyang Walt Disney noong 2006. Kalaunan, si Jobs ang naging pinakamalaking tagapaghawak ng sapi nito sa halagang 7 porsiyento at naging miyembro ng lupon ng mga direktor ng Disney .

Ang kanyang layunin na magpaunlad ng mga produkto na parehong mapapkinabangan at elegante ay nagdulot sa kanya ng ilang mga debotong tagasunod.

Noong Agosto 24, 2011, inihayag ni Jobs ang kanyang pagbibitiw bilang CEO ng Apple. Sa kanyang sulat ng pagbibitiw sa tungkulin, kanyang inirekomyenda na magiging kahalili na CEO ng Apple si Tim Cook. Dahil kanyang kahilingan, si Jobs ay hinirang na pangunahing pinuno(chairman) ng lupon ng mga direktor ng Apple. Si Jobs ay namatay noong Oktubre 5, 2011 sa edad na 56 dahil sa sakit na pankreatikong kanser pitong taon pagkatapos ng diyagnosis nito.

Mga sanggunian[baguhin]


Teknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.