Tachyglossidae

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tachyglossidae (mga ekidna)[1]
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Monotremata
Pamilya: Tachyglossidae
Gill, 1872
Mga uri

Ang mga echidna o ekidna[2] (bigkas: /ɨˈkɪdnə/), kilala rin bilang mga spiny anteaters, mga "may tulis na kumakain ng langgam"[3] ay ang apat na mga nabubuhay pang uri ng mga mamalyang kabilang sa pamilya ng mga Tachyglossidae ng mga monotremata. Kasama ng platypus, sila lamang ang mga nabubuhay pang mga kasapi ng ordenng ito. Bagaman kumakain lamang sila ng mga langgam at anay, hindi talaga sila kaugnay sa mga uri ng mga hayop na kumakain ng langgam (mga anteater). Matatagpuan sila sa New Guinea at Australia. Pinangalanan ang mga echidna mula sa isang halimaw na nabanggit sa mitolohiya ng Sinaunang Gresya. Ilan sa mga halimbawa ng mga ekidna ang albinong ekidna, ekidnang may maikling ilong, ekidnang may mahabang ilong, at may-tulis na tagakain ng langgam.

Mga talasanggunian[baguhin]

  1. Groves, Colin (Nobyembre 16, 2005). Wilson, D. E., at Reeder, D. M. (mga patnugot). ed. Mammal Species of the World (Ika-3 ed.). Johns Hopkins University Press. pp. p. 1-2. ISBN 0-801-88221-4. http://www.bucknell.edu/msw3/browse.asp?id=10300002. 
  2. Literal na salin ayon sa ortograpiya.
  3. EnchantedLearning.com, Nakuha noong 21 Oktubre, 2007


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.