Tag-init

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang tag-init o tag-araw ay isa sa apat na panahon. Ito ang pinakamainit at isa sa pinakatuyong mga panahon ng taon, kaya't nagiging o tinatawag ding tagtuyot kung minsan. Matatagpuan ang apat na panahon sa mga pook na hindi gaanong mainit o hindi gaanong malamig. Nagaganap ang tag-init sa hilaga at timog na mga gilid ng mundo sa magkabilang mga panahon ng taon. Sa Hilagang Hemispero, nangyayari ang tag-araw sa pagitan ng mga buwan ng Hunyo at ng Setyembre. Sa Timog na Hemispero, nagaganap ito sa pagitan ng Disyembre at ng Marso. Dahil ito sa kapag tumuturo patungo sa araw ang Hilagang Hemispero o hilagang bahagi ng mundo, tumuturo naman ang Timog na Hemispero palayo sa araw.


Panahon Ang lathalaing ito na tungkol sa Panahon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.