Tikbalang

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mitolohiya ng Pilipinas
Tikbalang The Philippine Demon Horse Commons.jpg
Pamagat Tikbalang
Paglalarawan Ang dimonyong kabayo
Kasarian Lalaki o babae
Rehiyon Pilipinas

Ang tikbalang o tigbalang (binabaybay ding tigbalan o tikbalan) ay isang nilalang na may mala-kabayong hitsura. Kabilang ito sa mga nilalang ng mitolohiya at kuwentong-bayan ng Pilipinas. Mayroon itong katawan ng isang tao subalit may mga paa ng isang kabayo. Batay sa paniniwala, nakasasanhi ang tikbalang ng pagkaligaw ng landas ng mga tao, partikular na habang nasa kagubatan at mga bundok. Tumutukoy ang salitang tikbalangin sa pangkukulam sa tao sa pamamagitan ng pagsasaanyo ng isang nilalang upang maligaw ito ng daan.[1] Bagaman tinatawag o maituturing na isa itong uri ng sentauro, naiiba ito sa tunay na sentauro.[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Tikbalang, tigbalang". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990)., pahina 1406.
  2. Blake, Matthew. (2008). "Tikbalang, centaur". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., nasa tikbalang.



PanitikanMitolohiyaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan, Mitolohiya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.