Kabayo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kabayo
Conservation status
Domesticated
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Perissodactyla
Pamilya: Equidae
Sari: Equus
Espesye: E. caballus
Pangalang dalawahan
Equus caballus
Linnaeus, 1758

Ang kabayo (Ingles: Horse ; Equus caballus, kung minsan ay kinikilalang subspecies ng mailap na kabayong Equus ferus caballus) ay isang malaking ungulate na may di-karaniwang daliri sa paa na mammal, isa sa sampung mga makabagong species ng genus na Equus. Isa sa mga pinakamahalagang hayop sa larangan ng kabuhayan ang mga kabayo; kahit na ang kanilang kahalagahan ay bumaba dahil sa mekanisasyon, nakikita pa rin sila sa buong mundo, na nakatutulong sa buhay ng tao sa ilang mga paraan. Prominente ang kabayo sa relihiyon, mitolohiya at sining; gumanap ito ng mahalagang papel sa transportasyon, agrikultura at digmaan; pinagkukunan rin ito ng pagkain, gatong at damit.

Halos lahat ng lahi ng kabayo, ayon sa isang teorya, ay nagsasakay ng mga tao sa kanilang likod at ginagamit sa pagtutulak ng mga bagay tulad ng mga kariton at paragos. Ngunit, sinasanay ang ilang mga lahi ng kabayo upang gumanap sa isang gawain, magaang mga kabayo para sa karera o pagsasakay, mabigat na kabayo para sa pag-aararo at ibang mga gawaing nangangailangan ng paghihila. Sa ilang lipunan, pinagkukunan ng pagkain ang mga kabayo, parehong karne at gatas; sa ilan ito ay masangsang na pagkain. Sa ilang mga mauunlad na bansa, inaalagaan ang mga kabayo para sa pagpapahinga at pampalakasan, bagaman ginagamit pa rin sila sa pagtatrabaho sa maraming bahagi sa mundo.

Sa Tanakh at Bibliya[baguhin]

Ang mga Hiksos ang pinaniniwalaang nagdala sa Sinaunang Ehipto ng mga kabayo. Unang nabanggit ang mga hayop na ito Bibliya sa Henesis 47:17 ng Aklat ng Henesis ng Tora ng Hudaismo at ng Lumang Tipan ng Kristyanismo.[1]

Sanggunian[baguhin]

  1. Abriol, Jose C.. (2000). "Mga Kabayo, Hiksos". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 79.


Mga ugnayang panlabas[baguhin]