Tilasino

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tilasino (Thylacine[1])
Hangganan ng fossil: Maagang Plioseno hanggang Holoseno
Mga tilasino sa Washington D.C., 1902.
Conservation status

Extinct  (1936) (IUCN 3.1)[2]
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Subkalapian: Vertebrata
Superklase: Tetrapoda
Klase: Mammalia
Subklase: Theria
Impraklase: Marsupialia
Orden: Dasyuromorphia
Pamilya: Thylacinidae
Sari: Thylacinus
Espesye: T. cynocephalus
Pangalang dalawahan
Thylacinus cynocephalus
(Harris, 1808)

Ang tilasino o Thylacine (bigkas: /tay-la-sin/) ay isang karniborong (pangunahing kumakain ng karne) hayop na marsupyal, na kilala rin sa tawag na Tasmanyanong lobo, Tasmanyanong tigre, at Tasmanyanong hiyena. Namatay ang huling nalalamang umiiral o nabubuhay pang Thylacine sa soong Hobart noong Setyembre 7, 1936.[3] Dating nabubuhay sila sa kahabaan ng Australya at Bagong Gineya. Mayroon mga larawang ipininta ng mga hayop na ito sa hilaga ng Kanlurang Australya, at sa Hilagang Teritoryo.[4] Sa Riversleigh ng hilagang Queensland, natuklasan ng mga siyentipiko ang mga kusilbang buto ng mga tilasinong hindi bababa sa 30 milyong mga taon na ang edad.[5]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Groves, Colin (Nobyembre 16, 2005). Wilson, D. E., at Reeder, D. M. (mga patnugot). ed. Mammal Species of the World (Ika-3 ed.). Johns Hopkins University Press. pp. 23. ISBN 0-801-88221-4. http://www.bucknell.edu/msw3/browse.asp?id=10800004. 
  2. McKnight, M. (2008). Thylacinus cynocephalus. 2008 IUCN Red List of Threatened Species. IUCN 2008. Hinango noong 09 Oktubre 2008.
  3. http://www.parks.tas.gov.au/wildlife/mammals/thylacin.html
  4. "Indigenous Peoples and the Thylacine" (htm). Australia's Thylacine. Australian Museum Online. 2002. http://www.amonline.net.au/thylacine/06.htm. Hinango noong Agosto 5, 2008. 
  5. "Is there a fossil Thylacine?" (htm). Australia's Thylacine. Australian Museum Online. 2002. http://www.amonline.net.au/thylacine/08.htm. Hinango noong Agosto 5, 2008. 



Mamalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.