Tinapay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Iba't ibang mga tinapay

Ang tinapay ay isang pagkain na ginagawa sa pamamagitan ng paghurno ng isang masa ng harina at tubig.[1] Maaaring may pampaalsa ito o wala. Ilan sa mga karaniwang sangkap ang asin, taba at isang pampaalsa katulad ng lebadura, bagaman, maaring maglaman ito ng iba pang mga sangkap: gatas, itlog, asukal, pampalasa, prutas (katulad ng pasas), gulay (katulad ng sibuyas), mga pili (katulad ng nuwes de nogal o wolnat[2]) o mga buto (katulad ng mga buto ng amapola). Isa ang tinapay sa mga pinakamatandang hinahaing pagkain, tinatayang mayroon na ito noong panahon ng Neolitiko. Marahil na ang pagbuo ng tinapay na may lebadura ay mababakas bago pa ang kasaysayan.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Sa wikang Ingles: "bread." Britannica Concise Encyclopedia. Encyclopædia Britannica, Inc., 2006. Answers.com 19 Peb. 2008. http://www.answers.com/topic/bread
  2. Salin ng walnut mula sa Lingvosoft


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.