Tsukihime

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tsukihime
Tsukihime.jpg
unahan ng Tsukihime
月姫
Genre Mystery, Romance, Supernatural
Game
Tagapamanihala Type-Moon
Tagalathala Type-Moon
Genre Dojin, Eroge, Visual novel
Rating Edad 18 pataas
Platform PC – NScripter engine
Inilabas noong Disyembre 2000
Game
Tsukihime Plus-Disc
Tagapamanihala Type-Moon
Tagalathala Type-Moon
Genre dojin, eroge, Visual novel
Rating Edad 12 pataas
Platform PC - NScripter / KiriKiri engine
Inilabas noong Enero 2001
Telebisyong Anime
Studyo J.C.Staff
Tagalisensya Watawat ng Canada Flag of the United States Sentai Filmworks
Flag of the United Kingdom MVM Films
Watawat ng Australia Watawat ng New Zealand Madman Entertainment
Istasyon Animax, TBS, BS-i
Ingles na Istasyon Watawat ng Indiya Watawat ng Indonesya Flag of the Philippines Watawat ng Singapore Watawat ng Sri Lanka Watawat ng Thailand Animax Asia
Manga
Shingetsutan Tsukihime
Tagalikha Sasaki Shōnen
Tagalathala MediaWorks
Ingles na Tagapanihala Watawat ng Canada Flag of the United States DrMaster
Magasin Dengeki Daioh
Orihinal na Pagpapalabas Oktubre 2003Setyembre 2010
Bolyum 9
Ang Portada ng Anime at Manga


Tsukihime (月姫 lit. Prinsesa ng Buwan?) ay isang Japanese dōjin laro na nobelang biswal, na gawa ng TYPE-MOON, na unang inilabas noong Disyembre 2000. ini-akma ito sa isang tatlong series na anime noong 2003 na pinamagatang Shingetsutan Tsukihime, na inilathala ng J.C. Staff at Geneon, at isang manga series, na ginawang serye noong 2004 at 2005 sa Media Works' seinen magasin, Dengeki Daioh, na may haba na tatlong tankōbon aklat.

Ang opisyal na subtitle ng Tsukihime ay: "Blue Blue Glass Moon, Under The Crimson Air". Ang kabantugan nito ay madalas na iniu-ukol sa madaling maunawaan at malawak na kuwento at ang kakaibang paraan ng pagke-kuwento ni Kinoko Nasu. Pati na rin sa akma nitong anime at manga, nagkaroon ito ng maraming pangkalakal at mga pantalang prangkisiya.

Pagkatapos itong ilabas, ang mga developers sa TYPE-MOON ay naglabas ng Tsukihime PLUS-DISK noong Enero 2001, isang pampasayang-dagdag sa Tsukihime na mayroong tatlong side-stories at surtidos na multimedia, at noong Agosto 2001, gumawa at nilathala ang isang karugtong sa Tsukihime, Kagetsu Tohya (歌月十夜 lit. Sampung Gabi ng Bersiyo at ang Buwan?), noong Abril 2003, inilabas ang Tsuki-Bako (月箱 lit. Kahon ngg Buwan?), isang tatlong-disk na set na kasama ang Tsukihime, PLUS-Disk at Kagetsu Tohya, kasama na rin ang remix ng mga tugtugin at surtidos na multimedia.

Kuwento[baguhin | baguhin ang batayan]



Tsukihime ay sumusunod sa istorya ni Shiki Tohno. isang bata, natamo niya ang isang malubhang pinsala na may dalang resulta, kaya na niyang makakita ng "life lines" sa mga bagay at tao na kapag pinutol ay tutugis sa mga ito. Noong bata pa siya, binigyan siya ng isang espesyal na pares ng salamin na pinapayagan siyang hindi makita ang mga "life lines."

Pagkalipas ng maraming taon na nalayo sa kanyang tahanan (kung saan siya dinala pagkatapos siyang masugatan), bumalik siya pagkatapos ng kamatayan ng patriarka ng pamilyang Tohno. Ang kapatid ni Siki, si Akiha ang gumampan ng responsibilidad na bagong matriarka. Habang tumutuloy ang kuwento, unti-unting nalalaman ni Shiki ang tungkol sa kanyang misteryosong nakaraan.

Mga Tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]

Arcueid Brunestud

Si Arcuied Brunestud.
Ang White Princess ng mga Shinso, mga Tunay na Ninuno, namuhay at natulog si Arcueid ng maayos na buhay, pero pagkatapos lagyan ni Roa, ang mahikero, ng dugo ang white rose, umalis siya sa kastilyo at nagtago, hinahanap si Roa sa dilim ng walong-daan taon, namumuhay sa walang tigil na pag-gising mula sa matagal na pag-tulog, sinusugpuo ang mga inkarnasyon ni Roa at mga bampira, at babalik sa mahabang pag-tulog, walang kakilalang iba. Blonde, na may matang pula, lumalaki ang pagmamahal niya kay Shiki at sabay na nilalabanan si Roa, ang serpiyente.

Shiki Tohno

Isang binatang mag-aaral sa high-school, na may kakaiba, ngunit nakakatakot na kakayahan na makakita na "life-lines" sa iba't-ibang bagay at hayop, na kapag pinutol, ay tatapusin ang buhay nito, ito and dala ng kanyang malubhang pinsala mula pa ng pagkabata. Binigyan siya ng isang pares ng salamin ng isang misteryosong babae na si Aoko Aozaki, na pumipigil sa mata niya na makakita ng "life-lines", upang matuto siya kung papaano niya magamit ito ng tama upang maprotektahan ang taong importante sa kanya. Habang sumama siya kay Arcueid upang sugpuin si Roa , inaalagaan at minamahal niya siya, dala-dala ang kanyan espesyal na punyal, Nanatsuya, para protektahan siya mula sa mga kalaban at bampira.