UP Diksiyonaryong Filipino

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
UP Diksiyonaryong Filipino
Buod
May-akda Virgilio S. Almario (punong patnugot)
Bansa Pilipinas
Wika Filipino
(Mga) Paksa Diksiyonaryo
Naglimbag Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas at Anvil Publishing
Petsa ng paglimbag 2001 (unang edisyon), 2010 (ikalawang edisyon)
Bilang ng pahina 961 (unang edisyon)[1]
ISBN ISBN 971-8781-98-6
Bilang sa OCLC 50116683
Klasipikasyong LC PL6057 .U63

Ang UP Diksiyonaryong Filipino (UPDF; Ingles: UP Filipino Dictionary) ay isang monolingguwal na diksiyonaryong Filipino. Pinapanatili ito ng Unibersidad ng Pilipinas-Sentro ng Wikang Filipino (UP-SWF), at si Virgilio S. Almario, isang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, ang punong patnugot nito. Inilunsad ang unang edisyon ng UPDF noong 2001, habang inilunsad naman ang ikalawang edisyon noong 29 Hulyo 2010, kasama sa pagdiriwang ng sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas. Nakatalang ilulunsad ang ikatlong edisyon ng diksiyonaryo sa 2015, at ilulunsad ang mga bagong edisyon ng UPDF bawat limang taon pagkatapos noon. Sa kasalukuyan, may mahigit 200,000 entrada ang ikalawang edisyon.[2]

Unang minungkahi noong 1996,[2] tinaguriang bersiyong Filipino ng kilalang Oxford English Dictionary ang UPDF.[3] May nagmungkahi din ng bersiyon ng UPDF sa Internet para magamit ito ng mga Pilipino sa ibayong dagat.[2]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. UP Diksiyonaryong Filipino mula sa University of the Philippines Integrated Library System
  2. 2.0 2.1 2.2 Lim, Ronald S. (13 Agosto 2010). "One tongue". Manila Bulletin (Manila Bulletin Publishing Corporation). http://www.mb.com.ph/articles/272063/one-tongue. Hinango noong 21 Disyembre 2010. 
  3. Teodoro, John Iremil E. (25 Agosto 2010). "How the 'Cory consti' shaped the Filipino language". GMA News and Public Affairs. http://www.gmanews.tv/story/199401/how-the-1987-charter-shaped-the-filipino-language. Hinango noong 21 Disyembre 2010. 


Silipin din[baguhin | baguhin ang batayan]