Pumunta sa nilalaman

Abd Rabbuh Mansur Hadi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abd Rabbuh Mansur Hadi
Kapanganakan1 Setyembre 1945[1]
  • (Yemen)
MamamayanYemen[2]
NagtaposPangharing Akademyang Militar ng Sandhurst
Trabahopolitiko, opisyal

Si Abdrabbuh Mansur Hadi (ʿAbdrabbuh Manṣūr Hādī; Arabe: عبدربه منصور هادي‎  bigkas sa Yemeni: [ˈʕæbdˈrɑb.bu mænˈsˤuːr ˈhæːdi]; ipinanganak 1 Setyembre 1945) ay isang politikong taga-Yemen at dating field marshal ng Sandatahang Lakas ng Yemen. Siya ang Pangalawang Pangulo ng Yemen mula 1994 hanggang 2012; at ang Pangulo ng Yemen mula 27 Pebrero 2012 hanggang 22 Enero 2015 nang napatalsik ng rebolusyonaryong Houti. Pinatili niya ang titulong 'pangulo' pagkatapos magbitiw noong una, bagaman nakatira siya sa Saudi Arabia nang siya ay pinatapon.[3]

Sa pagitan ng 4 Hunyo at 23 Septyembre 2011, pansamantala gumanap si Hadi bilang Pangulo ng Yemen habang nagpapagamot noon si Ali Abdullah Saleh sa Saudi Arabia pagkatapos ng pag-atake sa palasyong pampangulo noong pag-aaklas sa Yemen ng 2011.[4] Noong 23 Nobyembre, naging pansamantalang pangulo muli siya, pagkatapos lumipat si Saleh sa di-aktibong pagganap sa napipintong halalang pampangulo. Inasahan si Hadi na bumuo ng pinag-isang pambansang pamahalaan at upang tawagin ang maagang halalang pampangulo sa loob ng 90 araw habang pinagpapatuloy ni Saleh na maging Pangulo sa pangalan lamang.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.breakingnews.com/topic/abd-rabbuh-mansur-al-hadi/.
  2. http://www.nytimes.com/aponline/2014/12/06/world/middleeast/ap-ml-yemen.html.
  3. Profile, bbc.co.uk; hinango 6 Abril 2015 (sa Ingles).
  4. "Al-Hadi President of Yemen". Al Jazeera (sa wikang Ingles). 4 Hunyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Nobiyembre 2011. Nakuha noong 26 Pebrero 2020. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  5. "Yemeni President Saleh signs deal on ceding power". BBC News (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)