Unang Pahina
Napiling artikulo

Ang keso (mula sa Kastilang: queso) ay pagkaing gawa mula sa kinultang gatas ng baka, kalabaw, kambing, tupa at iba pang mamalya. Ang pagkukulta ay mula sa paghahalo ng kuwaho (rennet) o kahalili nito at pagpapaasim ng gatas. Ang bakterya ang nagpapaasim sa gatas at nagbibigay ng lasa at anyo sa karamihan ng keso. May ilang keso ang sadyang binabalutan o pinalolooban ng piniling amag (molds). Maraming uri ang keso. Ang iba’t ibang uri at lasa ng keso ay bunga ng paggamit ng iba’t-ibang bakterya at amag, iba’t-ibang dami ng taba ng gatas (milk fat), haba ng pag-iimbak nito, iba’t-ibang proseso tulad ng cheddaring (o pagtsetsedar), pagbatak, pag-aasin, paghuhugas sa amag at iba’t-ibang kasta ng baka, tupa at iba pang nagagatasang hayop. Ang kinakain ng hayop at pagdaragdag ng pampalasa tulad ng mga yerba, mga panlasa (spices), o usok ng kahoy ang iba pang nagdudulot ng kakaibang lasa o anyo sa keso. Kahit dumaan o hindi ang keso sa pasteurisasyon nagdudulot din ng kakaibang lasa ito. Sa ilang klase ng keso, kinukulta ang gatas sa pagdaragdag ng pampaasim tulad ng suka o katas ng kalamansi o limon. Karamihan ng keso ay pinaaasiman ng bakterya para atakihin ang asukal ng gatas upang maging asido laktiko at sinusundan ng pagdaragdag ng kuwaho upang makumpleto ang pagkulta. Ang kuwaho ay isang ensima (enzyme) na tradisyonal na kinukuha sa mga pileges sa loob ng tiyan ng batang baka na ngayon ay ginagawa na sa laboratoryo. Mayroon ding kahaliling ‘kuwahong mula sa halaman’ na katas mula sa pamilya ng halamang cynara o thistle (kardo).
Alam ba ninyo ...

- ... na ang pangalan ng comune ng Recetto (nakalarawan) ay nagmula sa ricetto, isang uri ng portipikasyon sa Medyebal na Italya na isang pamayanang agrikultural na napaliligiran ng mga tore at pader?
- ... na ang Simbahan ng San Pedro at San Pablo sa Potsdam, Alemanya ay halimbawa ng arkitekturang eklektiko, pinaghahalo ang mga elemento ng mga estilong Bisantino, Romaniko, at Klasisismo?
- ... na ang Kastilyo Sforza, na itinayo ni Francesco Sforza noong ika-15 siglo, ay itinayo sa parehong pook ng Castrum Portae Jovis, ang castra pretoria o kuta ng Guwardiyang Pretoryano nang ang Milan ay nagsilbing kabesera ng Imperyong Romano?
- ... na ang pinakakilalang gusali ng Pamantasan ng Genova ay idinisenyo ng arkitektong si Bartolomeo Bianco?
- ... na ilang pamilya na lang ang gumagawa pa rin ng asin tibuok at tultul, dalawang tradisyonal at kakaibang asin mula sa Pilipinas?
- ... na pinanghihinalaang nagkaroon ng relasyon ang babaeng pintor na si Louise Abbéma at ang aktres na si Sarah Bernhardt?
Napiling larawan

Ang Staatsoper Unter den Linden, kilala rin bilang Staatsoper Berlin (o Operang Pang-estado ng Berlin), ay isang nakatalang gusali sa bulebar Unter den Linden sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin, Alemanya. Ang bahay opera ay itinayo sa pamamagitan ng utos ng Prusong hari na si Federico II ng Prusya mula 1741 hanggang 1743 ayon sa mga plano ni Georg Wenzeslaus von Knobelsdorff sa estilong Palladiana
May-akda ng larawan: A.Savin
Sa araw na ito (Setyembre 20)
- 1946 — Ang unang Pista ng Pelikula sa Cannes ay isinagawa.
Mga huling araw: Setyembre 19 — Setyembre 18 — Setyembre 17
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
45,231 artikulo |
138 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan

- Ang pelikulang Amerikanong Barbie ay naging unang pelikula ng isang solong babaeng direktor (Greta Gerwig na nakalarawan) na lumagpas sa $1 bilyong kita sa takilya.
- Ginawad ng Tanggapan ng Ari-ariang Intelektuwal ng Pilipinas ang pagpapanibago ng tatak-pangkalakal na Eat Bulaga! sa TAPE Inc. sa kabila ng kasong sinampa ng dati nitong mga punong-abala na sina Tito, Vic Sotto at Joey na pagkansela ng tatak-pangkalakal ng TAPE Inc.
- Mga pinagtatalunang teritoryo sa Timog Dagat Tsina: Inakusahan ng Tanod Baybayin ng Pilipinas ang Tanod Baybayin ng Tsina sa pagbomba ng mga kanyong tubig sa mga sasakyang pandagat nito malapit sa Kulumpol ng Ayungin sa Kapuluang Spratly kung saan nakahimpil ang mga tauhan ng militar ng Pilipinas.
- Matagumpay na nakapasok ang Chandrayaan-3 ng Indya sa orbita ng Buwan na nauna sa ikalawang pagsubok ng bansa sa paglapag sa Buwan sa pagitan ng Agosto 23 at 24.
- Pinabatid ng NASCAR na sinuspinde ng walang taning ang tagapagmaneho na si Noah Gragson pagkatapos gustuhin ang isang meme na kinukutya ang pagkamatay ni George Floyd.



-
1,000,000+ artikulo
-
250,000+ artikulo
-
50,000+ artikulo