Pumunta sa nilalaman

Liwasang Rizal

Mga koordinado: 14°34′57.46″N 120°58′42.85″E / 14.5826278°N 120.9785694°E / 14.5826278; 120.9785694
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Liwasang Rizal
Liwasang Luneta
Ang Bantayog ni Rizal sa Liwasang Rizal.
Map
TypeLunsuring liwasan
LocationMaynila, Pilipinas
Coordinates14°34′57.46″N 120°58′42.85″E / 14.5826278°N 120.9785694°E / 14.5826278; 120.9785694
Area54 ektarya (130 akre)
Created1920
Operated byKomite para sa Paglilinang mga Pambansang Liwasan
StatusBukas buong taon
WebsiteLiwasang Rizal

Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal (Ingles: Rizal Park, Kastila: Parque Rizal) ay isang makasaysayang lunsuring liwasan na nasa puso ng Lungsod ng Maynila, Pilipinas. Dating tinatawag na Bagumbayan (mula sa "bagong bayan") noong kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka. Matatagpuan ito sa may Bulebar Roxas, katabi ng lumang napapaderang lungsod ng Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita. Ito ay isa sa mga pinakamalaking lunsuring liwasan sa Asya. Pinupuntahan din ito bilang lugar ng paglilibang, lalo na sa mga Linggo at mga pista opisyal. Isa ito sa mga pangunahing atraksyong panturista ng Maynila. Nakatagpo sa tabi ng Look ng Maynila, mahalagang pook ito sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa pook na ito binaril si José Rizal noong 30 Disyembre 1896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ng Himagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Kupong patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Bilang karagdagan, naganap dito ang Pahayag ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos noong 4 Hulyo 1946 at naganap din ang mga demonstrasyong pulitikal nila Ferdinand Marcos at Corazon Aquino noong 1986 na nagwakas sa Rebolusyong EDSA.

Bantayog ni Rizal sa Luneta

Matatagpuan ang Liwasang Rizal sa hilagang hanggahan ng Bulebar Roxas. Sa silangan ng bulebar, pinapalibutan ang liwasan ng Abenida Taft, Abenida Padre Burgos and Abenida Kalaw. Sa kanluran ang ibinawi na lupa ng liwasan na pinapalibutan ng Daang Katigbak, Daang Timog, at ang baybayin ng Look ng Maynila.

Panahong kolonyal ng Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimula ang kasaysayan ng Liwasang Rizal noong 1820 noong nakumpleto ang Paseo de Luneta sa timog ng mga pader ng Maynila sa isang gitatang piraso ng lupa sa tabi ng dalampasigan noong panahon ng Kastila. Bago ang liwasan, naging lokasyon ang gitatang lupa ng isang maliit na bayan na tinatawag na Nuevo Barrio (Bagumbayan sa wikang Tagalog) na nagmumula noong 1601. Madiskarteng ginamit ang bayan at kanyang mga simabhan, na malapit sa napaderang lungsod, bilang silungan ng mga Briton noong kanilang atake. Inasam ng mga Kastilang awtoridad ang panganib na maaaring dalhin ng mga paninirahan na pumalibot sa Intramuros sa aspeto ng mga atakeng panlabas, ngunit itinaguyod ng mga opisiyal ng Simbahan na manatili ang mga bayan na ito. Dahil sa kanilang papel noong Pagsalakay ng Briton, inalis ang mga ito pagkatapos ng maikling mamamahala ng mga Briton mula 1762 hanggang 1764.[1] Nakadambana dati ang Itim na Nazareno sa simbahan ng Bagumbayan. Dahil sa utos na sirain ang bayan at ang kanyang simbhan, inilipat muna ang imahe sa San Nicolas de Tolentino at sa Simbahan ng Quiapo pagkatapos. Ipinapaalaala ito mula noon ng Traslación ng relikiya bawat Enero 9, na mas kilala bilang Kapistahan ng Itim na Nazareno. Ito ang dahilan kung bakit nagsimula ang mga prusisiyon ng Enero 9 doon magmula noong 2007.[2] Pagkatapos ng pag-alis ng tirahang Bagumbayan, nakilala ang lugar bilang Bukid Bagumbayan kung saan nakatagpo ng Cuartel la Luneta (Kuwartel ng Luneta), isang opsital pangmilitar ng Kastila (na nawasak noong isa sa mga lindol ng Maynila), at isang kutang pinapalibutan ng moat ng napaderang lungsod ng Maynia, na kilala bilang Luneta (lunette) dahil sa kanyang hugis-gasuklay.[3][4]

Pagpatay kila Gómez, Burgos at Zamora

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Paseo de Luneta noong dekada ng 1920 (Mayroon nang Bantayog ni Rizal)

Noong panahon ng Kastila mula 1823 hanggang 1897 lalo na sa huling bahagi nito, kilalang-kilala ang lugar bilang lugar sa publikong pagbitay. Ipinatay ang kabuuan ng 158 kalabang pulitikal ng Espanya sa liwasan.[4] Noong 17 Pebrero 1872, ipinatay ang tatlong Pilipinong pari, Mariano Gómez, José Burgos, at Jacinto Zamora, na kilala bilang Gomburza sa pamamagitan ng garote, dahil inakusahan sila ng pagbabagsak mula sa paghihimagsik ng Cavite ng 1872.[5]

Pook kung saan binitay ang GomBurZa.

Panahong kolonyal ng mga Amerikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bantayog ni Rizal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bantayog ni Gat Jose Rizal

Ang bantayog na gawa sa tanso at batumbesi ay isa sa mga pinakatanyag na muhong lilok sa bansa. Halos protokol para sa mga nabibisitang dignitaryo na maglagay ng isang korona o wreath sa bantayog. Hindi lamang rebulto ni Rizal ang matatagpuan sa bantayog, kundi pati na rin ang kanyang bangkay.[6]

Ang pagbitay ni Jose Rizal noong 30 Disyembre 1896

Noong 28 Setyembre 1901, inaprubahan ng Amerikanong Philippine Commission ang Act No. 243, na magtatayo ng bantayog sa Luneta para gunitain ang memorya ni José Rizal, Pilipinong bayani, manunulat, at makata.[7] Gumawa ang komite na nabuo ng akto ng pandaigdigang kumpetisyon ng disenyo mula 1905 hanggang 1907 at inimbita ang mga iskultor mula sa Europa at Estados Unidos para magsumite ng mga entrada na may tantyang halaga ng ₱100,000 gamit ang mga lokal na materyales.[8]

Nanalo si Carlos Nicoli ng Carrara, Italya para sa kanyang pinaliit na modelong eskayola na pinamagatang “Al Martir de Bagumbayan” (Para sa Martir ng Bagumbayan) na dumaig sa ibang 40 tinanggap na entrada. Gayunpaman, ipinagkaloob ang kontrata sa ikalawang nanalo na si Richard Kissling, isang Suwisong iskultor, para sa kanyang “Motto Stella” (Gumagabay na Bituin). Paglipas ng higit sa labindalawang taon pagkatapos ng kanyang pag-apruba, sa wakas ipinakita ang dambana noong 30 Disyembre 1913 noong ika-17 anibersaryo ng kamatayan ni Rizal. Nakakintal ang kanyang tula "Mi Ultimo Adios" ("Huling Paalam") sa plakang pang-alaala. Patuloy na binabantayan ang lugar ng mga seremonyal na sundalo ng Seguridad Pandagat at Konsorteng Pangkat ng Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas.[9]

Pambansang Sentro ng Gobyerno

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Proklamasyon ng kalayaan sa Liwasang Rizal

Noong 1902,[10] kinomisyon ni William Taft si Daniel Burnham, arkitekto at tagaplano ng lungsod, na gawin ang plano ng lungsod ng Maynila. Binalak na magkaroon ang mga gusali ng pamahalaan ng mga neoklasikong edipisyo at mga Greko-Romanong haligi. Pinili ni Burnham ang Luneta bilang lokasyon ng bagong sentro ng pamahalaan. Magiging sentro dapat nito ang isang malaking gusaling Kapitolyo, na binalak na maging Pilipinong beryson ng Kapitolyo sa Washington. Binalak na palibutan ito ng mga ibang gusali ng pamahalaan, ngunit dalawa lamang ng mga gusaling ito ang itinayo sa Agrifina Circle, na humaharap sa isa't isa. Ang mga ito ay ang Kagawaran ng Pagsasaka (ang Pambansang Museo ng Antropolohiya ngayon) at ang Kagawaran ng Pananalapi (ang Kagawaran ng Turismo ngayon at magiging Pambansang Museo ng Kasaysayan ng Kalikasan). Nakumpleto ang dalawang gusali bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[11]

Binalak din ang liwasan na maging Pilipinong bersyon ng The Mall sa Washington, D.C., kasabay ng planadong pagtayo ng mga tangapan ng pamahalaan.

Pambansang Liwasang Luneta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Agosto 1954, binuo ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Pambansang Komisyong Sentenaryo ni Jose Rizal o Jose Rizal National Centennial Commission (JRNCC) para ayusin at pangasiwaan ang pagdiriwang para sa sentenaryo ng kapanganakan ni José Rizal.[12] Kasama sa mga plano nito ang pagtatayo ng maringal na bantayog ni José Rizal at Rizal Memorial Cultural Center na magkakaroon ng pambansang teatro, pambansang museo, at pambansang silid-aklatan sa Luneta.[13] Idineklara ang lugar bilang pambansang liwasan noong 19 Disyembre 1955 sa birtud ng Proclamation No. 234 na pinirmahan ni Pangulong Magsaysay.[14] Sumasaklaw ang Pambansang Liwasang Luneta ng halos 16.24 ektarya (40.1 acre) na sumasakop ng lugar na nakapalibot sa Bantayog ni Rizal. Pinangasiwaan ng Komisyon ng mga Liwasan at Kahayupan o Commission of Parks and Wildlife (na kilala ngayon bilang Kawanihan ng Pangangasiwa ng Biodiversidad o Biodiversity Management Bureau) ang pook noong pagtatatag nito bilang protektadong lugar.
Noong 1957, nagpalabas sa Pangulong Carlos P. Garcia ng Proclamation No. 470 na naglipat ng pangangasiwa ng pambansang liwasan sa Pambansang Komisyong Sentenaryo ni Jose Rizal.[15] Noong 1961, sa pagdiriwang ng sentenaryo ng kapanganakan ni Rizal, inagurahan ang Pambansang Aklatan sa liwasan.[13] Ipinasa ang pamamahala nito sa Komite para sa Paglilinang mga Pambansang Liwasan, isang nakalakip na ahensiya ng Kagawaran ng Turismo, na ibinuo noong 1963 ni Pangulong Diosdado Macapagal.[16][17] Noong 1967, ibinago ang pangalan ng Pambansang Liwasang Luneta. Naging Liwasang Rizal ito noong pagkalagda ng Proclamation No. 299 ni Pangulong Ferdinand Marcos.[18]

Sentenaryo ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 12 Hunyo 1998, pinagdiriwang ng marami ang liwasan at naging kasukdulan nito ang 1998 Sentenaryo ng Pilipinas, isang kaganapan na nagpapagunita ng isang daang taon mula noong Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya at pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Namuno ang mga pagdiriwang ng dating Pangulo Fidel V. Ramos.[19]

Pagkukumpuni noong 2011

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinagkumpunihan ang Liwasang Rizal ng Komite para sa Paglilinang mga Pambansang Liwasan (NPDC) para maisauli sa dati ang mga elemento ng liwasan. Kabilang sa mga plano ang rehabilitasyon ng lumang balon na pansayaw sa musika na matatagpuan sa 40 m × 100 m (130 tal × 330 tal) palanguyan na kung saan ang sentro ng heograpiya ng liwasan. Ang balon, na nakatakda para sa inagurasyon sa 16 Disyembre 2011, ay pinangasiwaan ng Aleman-Pilipino na si William Schaare, ang taong nagtayo rin ng orihinal na balon noong dekada 1960. Kasama rin sa pagkukumpuni ang Orasang Bulaklak na nakatakda para sa inagurasayon sa ika-113 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas; ang Harding Noli Me Tangere at Luzviminda Boardwalk para sa ika-150 pagdiriwang ng kaarawan ni Jose Rizal.[20]

Mga kalimi-liming kaganapan sa liwasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tanaw mula sa himpapawid ng Liwasang Rizal noong misang pangwakas ni Papa Francisco
  • Naganap ang iilang protesta noong 1986 laban sa pamahalaan ni Ferdinand Marcos. Humantong ito sa Himagsikan ng Lakas ng Bayan.
  • 15 Enero 1995. Pinaganapan ang liwasan ng Misang pangwakas ng ika-10 Pandaigdigang Araw ng Kabataan 1995 kung saan higit sa 10 milyong tao ang dumalaw. Ito ang rekord sa pagtitipon ng Simbahang Katolika Romana.
  • 12 Hunyo 1998. Nagtampok ang Philippine Centennial Celebrations ng Dakilang Sentenaryong Parada na humantong sa pagtatanghal ng paputok na nanggaling mula sa mga barko sa Look ng Maynila na naging pinakamahal na nagawa sa bansa at panahong iyon. Higit sa limang milyon ang nagdiriwang sa Liwasang Rizal ng ikasandaang anibersaryo ng Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas.
  • 31 Disyembre 1999 – 1 Enero 2000. Naganap ang pagdiriwang ng panibaong siglo dito na dinaluhan ng higit sa 500,000 tao.
  • 27 Nobyembre 2005. Ang Liwasan Rizal ay ang lugar ng seremonya ng pagsisimula ng Palaro ng Timog Silangang Asya 2005 sa Quirino Grandstand. Naganap siya sa isang panlabas na liwasan sa halip ng estadyo, at ito ang makasaysayang unang beses na nangyari ito para sa isang seremonya ng pagsisimula ng Palaro ng Timog Silangang Asya. Pinaganapan ito ulit noong 5 Disyembre 2005 para sa seremonyang pangwakas ng palaro.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Joaquin, Nick (1990). Manila My Manila. Manila: The City of Manila.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Trivia: 11 things you didn't know about the Black Nazarene". InterAksyon.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobyembre 4, 2016. Nakuha noong Nobyembre 3, 2016. {{cite news}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. (1911–12). "The Century Magazine", p.237-249. The Century Co., NY, 1912.
  4. 4.0 4.1 "History – Spanish Period" Naka-arkibo September 7, 2012, sa Wayback Machine.. Rizal Park. Hinango noong 7 Oktubre 2011.
  5. Jernegan, Prescott Ford (1995). "A Short History of the Philippines", p.252. New York: D. Appleton and Company.
  6. Vicente, Rafael L. (2005). "The Promise of the Foreign Nationalism and the Technics of Translation in the Spanish Philippines", p. 36. Duke University Press.
  7. Division of Insular Affairs, War Department (1901). "Public Laws and Resolutions Passed by the United States Philippine Commission", p.689. Washington: Government Printing Office.
  8. (1905–06). "Proposed Monuments and Monuments News", p.40. Granite, Marble and Bronze Magazine Vol. 15.
  9. [1]
  10. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-03-07. Nakuha noong 2019-06-02.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Torres, Cristina Evangelista (2014). “The Americanization of Manila, 1898 – 1921”, p.169. Quezon City: University of the Philippines Press.
  12. "Executive Order No. 52, s. 1954". Official Gazette (Philippines). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Pebrero 16, 2017. Nakuha noong Pebrero 15, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 "The Centenary of the Rizal Monument". Official Gazette (Philippines). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Enero 18, 2017. Nakuha noong Pebrero 15, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Proclamation No. 234, s.1955". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Setyembre 24, 2015. Nakuha noong Hulyo 10, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Proclamation No. 470, s. 1957". Official Gazette (Philippines). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 16 Pebrero 2017. Nakuha noong Pebrero 15, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Executive Order No. 30, s. 1963". Official Gazette (Philippines). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Pebrero 16, 2017. Nakuha noong Pebrero 15, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "National Parks Development Committee". National Parks Development Committee. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hulyo 14, 2014. Nakuha noong Hulyo 10, 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Proclamation No. 299, s. 1967". Official Gazette (Philippines). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Pebrero 16, 2017. Nakuha noong Pebrero 15, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Alcazaren, Paolo (July 10, 2010). "Grandstands and great public places". Philstar. Retrieved on February 28, 2011.
  20. Mejia-Acosta, Iris (May 25, 2011). "Luneta Celebrates Rizal's 150th Birthday with a Fresh Look". Pinay Ads.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]