Abenida Padre Burgos

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

N150 (Philippines).svgN170 (Philippines).svg

Abenida Padre Burgos
Padre Burgos Avenue
Abenida Padre Burgos pasilangan sa Ermita, Maynila, kasama ang Pambansang Museo ng Sining sa kanan at Gusaling Panlungsod ng Maynila sa kalayuan.
Impormasyon sa ruta
Haba:1.5 km[1] (0.9 mi)
Bahagi ng:
  • C-1 C-1
  • N150 (Philippines).svg N150
  • N170 (Philippines).svg N170 (mula Abenida Taft hanggang Tulay ng Quezon)
Pangunahing daanan
Dulo sa Hilaga:mga sangandaan ng mga Tulay ng MacArthur, Jones, at Quezon sa Ermita
Dulo sa TimogAsian Highway 26 PH sign.svgN120 (Philippines).svg AH26 / N120 (Daang Bonifacio at Bulebar Roxas) sa Ermita
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Ang Abenida Padre Burgos (Ingles: Padre Burgos Avenue) ay isang mahalagang lansangan ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas, na may labing-apat na linya at haba na 1.5 kilometro (0.93 milya).[2] Nasa pusod ng lungsod ang lansangan na nagbibigay-daan patungo ng ilang mga mahahalagang lansangan tulad ng Abenida Taft, Abenida Rizal, Bulebar Roxas, at Bulebar Quezon. Nagbibigay rin ito ng daan patungong Gusaling Panlungsod ng Maynila, Liwasang Rizal, at Intramuros.

Nagsisimula ito sa katimugang dalampasigan ng Ilog Pasig sa may Liwasang Bonifacio, kung saan nagtatagpo ang mga tulay ng MacArthur (patungong Abenida Rizal), Jones (patungong Daang Quintin Paredes/Binondo), at Quezon (patungong Quiapo at Bulebar Quezon/Espanya). Pagdaan sa harapan ng Munisipyo, hahati sa dalawa ang Abenida Padre Burgos–Abenida Taft (sa pamamagitan ng Lagusang Lagusnilad, patungong Ermita, Malate, at Pasay) at Ekstensyong Padre Burgos (patungong Bulebar Roxas sa kanluran, kung saan ito nagtatapos).

Itinakdang bahagi ng Daang Palibot Blg. 1 (C-1) ang bahagi ng abenida mula Kalye Pananalapi (Finance Drive) hanggang Bulebar Roxas. Isa ring bahagi ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas ang abenida: ang bahaging mula Tulay ng Quezon hanggang Abenida Taft ay itinakdang bahagi ng N170, habang bahagi naman ng N150 ang nalalabing bahagi ng abenida patungong Bulebar Roxas.

Hinango ang pangalan ng lansangan mula kay Jose Burgos, isa sa mga tatlong pari na minartir (na tinaguriang GOMBURZA). Ang bahaging C-1/N150 ng lansangan ay dating tinawag na Calle Bagumbayan.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates: 14°35′21″N 120°58′50″E / 14.58917°N 120.98056°E / 14.58917; 120.98056