Abenida Quezon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

N170 (Philippines).svg

Quezon Avenue sign.svg

Abenida Quezon
Quezon Avenue
Pahilagang Abenida Quezon papuntang sangandaan ng Abenida Timog, malapit sa Capitol Medical Center
Impormasyon sa ruta
Haba7.1 km (4.4 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa silanganDaang Elipso
 
Dulo sa kanluranRotondang Mabuhay
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodLungsod Quezon, Maynila
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Manuel L. Quezon (Ingles: Manuel L. Quezon Avenue), o mas-kilala bilang Abenida Quezon (Ingles: Quezon Avenue), ay isang pangunahing lansangan sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas, na ipinangalan mula kay Manuel Luis Quezon, ang ikalawang pangulo ng Pilipinas. May anim (6) hanggang labing-apat (14) na linya ang lansangang ito, na may habang 7.1 kilometro (4.4 milya). Nagsisimula ito sa Quezon Memorial Circle at nagtatapos ito sa Rotondang Mabuhay sa hangganan ng Lungsod Quezon at Maynila. Itinakda ito bilang bahagi ng Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ng sistemang daang arteryal ng mga lansangan sa Kamaynilaan, at N170 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

Isa ito sa mga pinakamaginhawang lansangan sa Lungsod Quezon, na nililinyahan ng mga punong palma sa panggitnang harangan (center island) nito. Nakalinya rito ang maraming mga gusaling pampamahalaan at pang-komersiyo. Sa hilagang dulo nito matatagpuan ang Triangle Park, isa sa mga pangunahing sentro pang-industriya ng Lungsod Quezon. Sa katimugang dulo nito, inuugnay nito ang Lungsod Quezon sa Maynila, ang kabisera ng Pilipinas, at nakaugnay ito sa Abenida Eulogio Rodriguez Jr.. Isa itong palagiang ruta ng mga sasakyan mula Lungsod Quezon patungong Maynila, sapagkat nagbibigay-daan ito sa distrito ng Quiapo sa Maynila at sa University Belt.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Tulad ng Abenida Commonwealth, itinayo ang Abenida Quezon bilang bahagi ng mga proyektong pang-impraestruktura noong administrasyon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos. Pinangalanan itong Don Mariano Marcos Avenue bilang pagkilala kay Mariano Marcos, ang ama ng pangulo. Binigyan ito ng kasalukuyang pangalan na Quezon Avenue pagkaraan ng administrasyon ni Marcos. Dati itong nagsisimula sa EDSA, ngunit ang bahagi mula Daang Elipso hanggang EDSA (na dating tinawag na Commonwealth Avenue extension) ay naging bahagi ng daan kalaunan.

Mga U-turn[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 2003, pagkaraan ng kapansin-pansing bisa sa EDSA, Abenida Commonwealth, at Lansangang Marikina–Infanta, isinagawa ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) ang "clearway scheme"; pinagbawalan nito ang mga bagtasan (crossings) at kaliwang pagliko (left turns) sa abenida. Sa halip ng mga kaliwang pagliko, nagtayo ng mga u-turn slot ang MMDA, 100 hanggang 200 metro mula sa mga sangandaan upang maipahintulot ang mga sasakyan na umabot sa kanilang mga paroroonan.[1]

Quezon Avenue/Araneta Avenue underpass[baguhin | baguhin ang batayan]

Gregorio Araneta Underpass

Noong June 2011, sinimulan ang pagtatayo ng 440 metro (1,440 talampakang) daang pang-ilalim (underpass) sa sangandaan ng abenida sa Abenida Gregorio Araneta. Mayroon itong apat na mga linya. Naitakda na aabot sa 15 buwan ang pagtatayo ng nasabing daang pang-ilalim.[2] Noong Setyembre 2012, binuksan ni Pangulo Benigno Aquino III ang daang pang-ilalim sa publiko. Ang halaga ng proyekto ay 452 milyong piso, o mas-mababa sa inilaang badyet na 534 milyong piso.[3]

Mga linya para sa mga motorsiklo (motorcycle lanes)[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 2012, naglagay ang MMDA ng mga linya para sa mga motorsiklo sa abenida. Nakapinta na bughaw ang mga linya na para lamang sa mga motorsiklo. Ito'y pagkalipas ng matagumpay na paglalagay ng mga "linyang bughaw" sa EDSA, Abenida Commonwealth, at Bulebar Macapagal, ngunit ang linyang bughaw sa EDSA ay hindi lamang ginagamit ng mga motorsiklo.[4]

Ipinapanukalang mabilisang daanan[baguhin | baguhin ang batayan]

May ipinapanukalang mabilisang daanan na itatayo sa ibabaw ng (o sa ilalim ng) Abenida Quezon at Abenida Commonwealth. Ito ay ang R-7 Expressway, isang 16.1 kilometrong mabilisang daanan na may apat na mga linya. Inaasahang sisimulan ang pagtatayo nito sa pagitan ng 2016 at 2018.[5]

Talaan ng mga bagtasan[baguhin | baguhin ang batayan]

Abenida Quezon patimog-kanluran patungong Abenida West/Timog.
Daang pang-ilalim ng Abenida Quezon–EDSA, papuntang Quezon Memorial Circle.

Dahil isang pangunahing lansangan sa mga sasakyang papuntang Maynila ang Abenida Quezon katulad ng Abenida Commonwealth, naitayo ang mga palitan sa kahabaan nito. Ito ay isang talaan ng mga sangandaan ng Abenida Quezon, mula Rotondang Mabuhay papuntang Quezon Memorial Circle.

Kilometro Milya Pangalan Mga paroroonan Mga nota
Rotondang Mabuhay Abenida Eulogio Rodriguez Sr., Abenida Mayon Rotonda
Abenida D. Tuazon
Abenida Banawe Pakaliwang liko sa pamamagitan ng U-turn lamang.
Abenida Gregorio Araneta
Kalye Iskawt Chuatoco
Abenida Don Alejandro Roces Patimog na pasok sa pamamagitan ng U-turn lamang.
Abenida Roosevelt Pahilagang pasok sa pamamagitan ng U-turn lamang.
Abenida Timog, Abenida West Walang mga pakaliwang liko.
Kalye Examiner, Kalye Iskawt Albano
Kalye Sarhento Esguerra
EDSA Palitan
Daang Agham, Daang BIR Mapapasok mula lamang sa mga service road.
Daang Elliptical Abenida Commonwealth, Abenida East, Abenida North, Abenida Kalayaan, Abenida Visayas Rotonda
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "All set for Quezon Avenue clearway". Philippine Star. 2003-08-14. Hinango noong 2013-04-14.
  2. Kwok, Abigail (2011-06-20). "Underpass construction on Quezon, Araneta Avenues start". Interaksyon.com. Hinango noong 2013-04-14.
  3. "P452-M Quezon-Araneta underpass opens today". ABS-CBNnews.com. 2012-09-28. Hinango noong 2013-04-14.
  4. Melican, Nathaniel (2012-02-14). "MMDA sees safer EDSA with motorcycle lanes". Philippine Daily Inquirer. Hinango noong 2013-04-14.
  5. "Private-Public Partnership Service". Sininop mula sa orihinal noong 16 Hunyo 2012. Hinango noong 1 Hunyo 2012.

Mga koordinado: 14°38′6″N 121°1′23″E / 14.63500°N 121.02306°E / 14.63500; 121.02306